Advertisers

Advertisers

5 patay sa bumigay na tulay sa Davao City

0 166

Advertisers

NASAWI ang limang construction workers at dalawa ang nasugatan nang bumigay ang ginagawang 43-meter steel bridge sa Davao City nitong Lunes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rolando Abing, Jay Bangonan, Jimboy Liga, Cris Napao at Elmer Samson.

Sugatan naman sina Meljay Pero at Jonathan Dispo.



Ayon sa ulat, naglalagay ng side panel ng tulay sa Barangay Malamba sa Marilog District ang mga manggagawa nang bigla itong bumagsak.

Tatlo pang manggagawa ang nakaligtas nang makaalis kaagad sila sa tulay bago ito bumagsak.
Nangako ang contractor na sasagutin ang gastusin sa mga manggagawang nasawi.



Sinabi ni Police Captain Hazel Tuazon, spokesperson ng Davao City Police, gumagamit ng boom truck ang mga biktima na nasa gitna ng tulay nang mangyari ang insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">