Advertisers

Advertisers

Customer care assistant pinatay sa loob ng QC hotel

0 223

Advertisers

ISANG Customer Care Assistant (CCA) ang natagpuang patay sa loob ng Nice Hotel sa Cubao, Quezon City, na tadtad ng tama ng saksak sa kanyang katawan nitong Linggo (Hulyo 30, 2023) ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police-District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kinilala ang biktima na si Bernalyn Tasi Regino, alyas Berna, 24 anyos, may live-in partner, isang customer care assistant (CCA) at residente ng no. B3, L84, Phase 1 F, Suburban Village, Brgy. San Jose Rodriguez, Rizal.

Natagpuang si Regino na tadtad ng tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ng staff ng naturang hotel.

Ayon sa ulat ng pulisya, tumakas ang salarin na kasama ng biktima na hindi pa nakikilala at tinatayang 20 hanggang 25 anyos na lalaki, kayumanggi ang kulay ng balat, nakasuot ng yellow ball cap, red t-shirt at black pants na may white stripes at katamtaman ang pangangatawan.

Nabatid sa ulat ni Pssg. Alexiss Mace Jurado, investigator ng CIDU, natagpuan ang walang buhay na bangkay ng biktima 1:45 ng madaling araw sa room 233 ng Nice Hotel sa Arayat St. corner Malabito St., Brgy. San Martin De Porres, Cubao, QC.

Sinabi sa ulat ni Pssg.Jurado, na pumasok ang biktima kasama ang isang hindi kilalang lalaking salarin sa naturang hotel at umupa umano ng dalawang (2) oras na kuwarto sa naturang hotel.

Nabatid pa sa ulat na habang ang attendant ang staff ng hotel na si Arnold Mugong na naglilinis ng bakanteng kuwarto, nakita nito ang patak ng dugo patungo sa fire exit.

Agad niyang ipinagbigay alam sa kanilang supervisor at rooms boys ang nakita kung kaya’t agad binuksan ang kuwarto ng biktima at dito natagpuan ang walang buhay na bangkay ni Regino na naliligo sa sariling dugo at tadtad ng tama ng saksak.

Sinisiyasat pa ng mga tauhan ng CIDU ang naturang krimen upang mabatid ang pagkakakilanlan ng kasama ng biktima na hinihinalang may kagagawan ng krimen.(Boy Celario)