Advertisers

Advertisers

Eh kasi babae!

0 583

Advertisers

Noong dekada 80 may TV show na ang titulo ay Eh Kasi Babae. Bida sina Gloria Diaz, Janice Jurado, Bessie Badilla at Boboy Garovillo. Dinerek ito ni Johnny Manahan sa panulat ni Jose Javier Reyes. Isa ito sa top-rated na sitcom sa IBC 13 noon. Sinikap ng palatuntunan ba iprisinta ang mga kababaihan bilang mga achieved din o kapantay na rin ng mga kalalakihan.

Sa mga panahon na iyon ang mga atleta nating sikat ay mga lakake karamihan. Bihira ang mga babaeng gumawa ng pangalan sa larangan ng sports.

Ang natatandaan nating bantog sa panahon noon at bago pa man ay sina Bong Coo at Lita De la Rosa ng bowling dahil nagkampeon sila sa mundo. Nandiyan din si Lydia de Vega na naging fastest woman sa Asya, Bea Lucero ng gymnastics/taekwondo at Akiko Thompson ng swimming. Ang mga nauna sa kanila na naging popular din ay sina Mona Sulaiman at Josephine de la Viña ng athletics at Haidee Coloso ng swimming.



Wala pa sina Hidilyn Diaz ng weightlifting at Nesthy Petecio ng boxing na mga produkto na ng taong pagpapalit ng milenyo.

Lalo naman di kilala ang mga Pinay sa team sports liban na lang ang Blu Girls ng softball.



Nguni’t ngayon nga ay bumabandera mga women’s squad natin.

Nakapasok at nanalo pa sa New Zealand ang Malditas sa World Cup.



Dinaig pa nila ang Azkals na hanggang AFC pa lamang.

Yung ating Gilas na mga female nagreyna na sa SEA at umakyat pa sa Division A sa buong Asia.

Dati talunan ang koponan pero dahil sa tiyaga unti-unting umangat ang koponan.

Siyempre nandiyan pa rin ating mga softbelles na pumapalo pa rin sa mga pang-international na mga torneo. Sa Italya nga ay pang-apat sila sa WC kamakailan.

Ka-level na sila sa kalalakihan sa maraming game. Oo individual o team sports man.

Tamang training at hustong suporta kabilang ang pondo lamang kailangan nila.

Huwag kalimutan na isang babae ang kauna-unahan nating may medalyang ginto sa Olympics.

Dahan-dahan kinakaya nila ang hamon. Eh kasi babae nga, eka ni Aling Barang.

***

“Kailangan may Philippine passport na ang mga Fil-For bago tumuntong ng 16 años kung nais maglaro para sa Gilas. Yan kasi ang regulasyon ng FIBA.”

Yan ang isa sa diniin ni Coach Pat Aquino sa panayam natin sa kanya sa OKS.

Oo kahit daw may dugong Pinoy ay hindi na pwede sa mga paliga ng FIBA kung walang pasaporte sa ganoong edad.

Ito raw paliwanag kaya si Jordan Clarkson na kahit legit na kababayan ay naturalized citizen lang kategorya. Mangyari hindi siya holder ng dokyumento na Filipino sya noong araw pa.

Sayang nga. Kung pumuwede si JC ay sabay sana sila sa Gilas ni Justin Brownlee. Di hamak na mas malakas ang ating RP squad sa World Cup na tayo pa naman main host.

Kaya mga magulang ng mga Pinoy sa abroad gawin ninyo kaagad na dual citizen ang mga anak. Malay nyo maging pambansang manlalaro ng Pinas yan. Maigi na para may choice ang bata paglaki.