Advertisers

Advertisers

CES Molina tinanghal na 2023 PVL Invitational Conference MVP

0 158

Advertisers

NAKAMIT ng Cignal HD Spiker ang pinakamalaking individual awards ng liga matapos masungkit ng tem ang bronze medal Linggo ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Ang 5-foot-9 spiker ang lumitaw na may pinakamataas na scoring sa lokal na may 87 points. Siya rin ang third- highest spiker effeciency na may 33.65 percent suces rate.

Ito ang kauna-unahang MVP award ng 28-year old sa liga simula sumali ang HD Spikers mula sa Superliga noong 2021.



Ang Cabanatuan native ay naging emotional habang tinatanggap ang unang MVP sa kanyang 13-year career.

“Semi pros, collegiate, hindi [pa ko nakapag-MVP] kaya naiiyak talaga ako,” anya.”It’s both pressure and inspiration kasi lahat ng tao mag-e-expect na and hahanapan ka lagi ng result.”



Ang kanyang teammate Gel Cayuna ang tinanghal na best setter habang PLDT Kath Arado ang nagwagi ng best libero award sa paligsahan ng dimomina ng Japanese guest team Kurashiki Ablaze.

Japan setter Ohshima Kyoka ang kinilalang Finals MVP.



F2’s Majoy Baron at Creamline’s Ced Domingo ang best middle blocker 1 and 2.

Best opposite spiker si Tots Carlos, habang si Kurashiki Asaka Tamaru at Alyssa Valdez ng Creamline ang tinanghal na first at second best outside spikers.