Advertisers

Advertisers

NAWAWALANG CESSNA TRAINING AIRCRAFT, NATAGPUAN SA APAYAO

0 75

Advertisers

KINUMPIRMA ni Apayao Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer na si Jeoffrey Borromeo na natagpuan na ang crash site ng cessna 152 sa boundary ng Barangay Salvacion, Luna at San Mariano Pudtol, Apayao.

Ayon sa Cagayan PIO, natagpuan din ang dalawang sakay bagama’t kapwa wala nang buhay.

Ang naturang training aircraft may sakay na isang pilot instructor at Indian student pilot.



Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang dalawang biktima.

Nag-take off ang nasabing Cessna plane sa Laoag International Airport ng 12:16 ng hapon at inaasahan sanang lalapag sa Tuguegarao City Airport ng 3:16 ng hapon nitong Miyerkoles, August 1 subali’t hindi ito nakarating at idineklarang missing.



Sa ulat, 2:37 ng hapon nang makatanggap ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng “INCERFA” message o mensahe ukol sa hindi matiyak na kaligtasan ng isang eroplano at pasahero nito muka sa Tuguegarao flight service station (FSS).

Agad na naghanap ang Tuguegarao FSS sa Cauayan, Vigan at Lallo ngunit walang nakuhang impormasyon ukol sa lokasyon ng Cessna-152 (RPC 8598), na may dalawang sakay. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">