Advertisers

Advertisers

BUBOY WALANG ‘K’ MAGING TV HOST SA PAGBASTOS SA MATANDA

0 178

Advertisers

Ni BETH GELENA

HINDI nagustuhan ng netizens ang pambabastos umano ng host ng Eat Bulaga na si Buboy Villar sa isang senior nang magpasalamat ito kina Tito, Vic at Joey nang ma-interbyu sa noontime show ng Tape, Inc.
Habang iniinterbyu nina Buboy ang senior netizen at nagpasalamat ito sa TVJ biglang inalis ni Buboy ang mic kahit nagsasalita pa ang matanda.
Dahil dito ang daming nagreak na netizens.
Wala raw karapatang maging host si Villar dahil bastos daw ito at walang respeto sa matatanda.
Sa Facebook naman ng TAPE INC. na ibinahagi nila ay may komento rin ang ibang netizens.
Anila: “Di yan pambabastos, umalis na ang tvj so wala na sila jan, parang before eat bulaga namimigay ng prize tapos magpapasalamat sila kay willie ina alis nila agad yung mike, ganun talaga normal yun.”
Pagtatanggol naman ng iba, “Hindi nila inaalis yung mic pag si Willie ang binabanggit. Nagtatawanan lang sila. Kahit recently sa EAT tinawag na Willie si Wally.”
“No sa legit eat bulaga kapag pinasalamatan si willie ay ginagawa nalang nilang joke. Hindi sila nambabastos ng matanda. Kaya tulog ka na jalosjos keyboard warrior.”
“Hala walang ganun. Hindi sila nangaalis o nagtatanggal ng mic. Sinasakyan p nga nila pag mali ang napasalamatan ng contestant. Huwag imbento”
Todo tanggol din ng isang netizen kay Buboy.
“Mas bastos nga yong matanda kung tutuusin. But siguro wala tlga ding ideya yong lola. Kaya lang grabe ang pangba-bash ng tao kay Villar. Di nyo lang sila gusto kaya puro mali na lang nakikita nila..”
“Sinasakyan ng jowapao pag si willie ang nabanggit. Same din kay willie or showtime, pag nabanggit EB or bossing tinatawanan nila.”
“Legit naman sigurong hindi aware yung matanda sa mga changes sa Eat Bulaga. Pero si Buboy walang excuse sa ginawa nya.”
“Di talaga maiiwasan mga matatanda, hindi na updated sa mga ngyayari, baka ni hindi na nanunuod ng tv si nanay kaya nung narinig eat bulaga, tito vic joey agad naisip nya. Ganun talaga eh kailangan nila ideal mga ganon, dati sila jose ilang beses nagala willie revillame dahil sa mga ganun instances.”
“Ayan ayaw pa kasi palitan ang name lol ganyan talaga matatanda, di naman lahat updated. Syempre eat bulaga is TVJ, kung palitan niyo ba naman name niyo edi sana may sarili kayong identity.”
“Forever nang nakatatak ang TVJ sa EB.
EB is TVJ.
Fake EB is not EB”
***
FRONTLINE PILIPINAS PASINTABI NAMAN SA MGA KUMAKAIN
USAPANG TV host na rin lang tayo.
Pansin lang namin na hindi man lang nagpapasintabi sa mga taong kumakain ng hapunan ang mga anchor ng Frontline News Pilipinas.
Sa nakaraang mga araw ay ilang beses silang nagbabalita nang tungkol sa mga taong putol-putol ang katawan.
Eh, ang oras ng kanilang pag-uulat ày tamang-tama sa mga pamilyang naghahapunan.
Hindi ba nakaka-alibadbad na habang kumakain ka ang maririnig ay katawang tao na natagpuang putol putol sa iba’t ibang lugar o di kaya ay sa sceptic tank.
Sila kaya ang makarinig nang ganum habang kumakain di rin kaya sila mawalan ng ganang kumain.
Naturingan pa naman silang legit journalist/anchor news person.
Eto naman po ay akin lang opinyon na sana paminsan-minsan ay iniisip din nila ang kapakanan ng mga televiewers.
***
DAVID AYAW NA BINA-BASH SI JAK DAHIL SA KANYA
NA-ambush interview si
David Licauco at natanong tungkol sa fans na gustong mag-break ang magdyowang Jak Roberto at Barbie Forteza para sa kanila ng Kapuso aktres.
Nag-klik ang tambalan nina David at Barbie nang magsama sila sa “Maria Clara at Ibarra.”
Naging mag-close ang dalawa sa nasabing serye hanggang nasundan ang proyekto nila.
“Ano ang masasabi mo sa mga fan ninyo ni Barbie na gustong mag-break si Jak at si Barbie para sa inyo, ano sagot mo?” tanong ng naka-ambush interbyu.
“I think we all have to respect yung personal lives namin. Siyempre mahal niya si Jak Roberto, meron silang relationship before our loveteam, so we have to respect that,” sagot ng Kapuso aktor.
“Pero siyempre maiintindihan mo rin naman ‘yung fans’ standpoint. Hindi natin sila masisisi kung pinupush nila kami kasi iyon ang happiness nila and I think we also have to respect that,” dagdag pa niya.
“Happy naman kaming nagpapasaya pero pinaka ayoko lang naman ‘yung binabash si Jak.”
“Nakikita ko ‘yung mga hate, although I truly appreciate the support talaga and ‘yon na nga, sabi ko, happiness nila ‘yon. Wala naman akong magagawa don at saka gusto ko masaya sila, pero spread positivity na lang siguro,” pagtatapat pa ni Licauco.