Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
Ayon sa nabasa ng Tarot reader sa cards ni Kim Chiu, may karelasyon raw ito ngayon.Pero mas pinili raw nitong huwag magsalita at ipaalam sa publiko.
“Ito, masaya ngayon sa relasyon niya. Mas pinili niyang hindi magsalita, tahimik lang at medyo malaki ‘yung pinagbago,”sabi ng Tarot reader.
Pagpapatuloy niya, may pinagdaraan ngayon si Kim, pero masaya ito sa kanyang lovelife.
“Dito sa cards, si Kim, mukhang stress, pero masaya. Parang mayroon siyang pinagdaraanan ba, pero okay siya sa pag-ibig. Wala siyang problema at masaya siya.”
Sa tanong kung si Paulo Avelino ang nababasa sa baraha na sinasabing boyfriend ni Kim,ang sagot ng Tarot reader,”Pero kung si Paulo Avelino ‘yun, sa edad ng cards na ito, hindi, eh (sabay iling). Pero masaya siya (Kim) ngayon, tahimik. Pinili niyang huwag magsalita kahit parang maraming tinatanong sa kanya, mas pinili niyang huwag nang sumagot.”
Nabasa rin ng Tarot reader sa baraha ni Chinita Princess, na mabubutis ito, pero walang mangyayaring kasal.
“May nakikita akong puwede siyang magbuntis, puwedeng magkaroon ng anak, pero kasal wala, eh. Naka-reverse ‘yung cards. Saka parang siya lang ‘yung may desisyon din,” say pa ng Tarot reader.
Well, totoo kaya ang nabasa ng Tarot reader sa cards ni Kim? Naku, hindi makakapayag ang KimPaulandia na hindi si Paulo ang boyfriend ni Kim, huh!.
Saka parang hindi kapanipaniwala na may boyfriend si Kim at hindi si Paulo. Kung totoo man ito, bakit hindi nakikita si Kim na may ka-date na ibang lalaki? Alangan namang hindi sila lumabas at hanggang pagti-text o chat lang, ‘di ba?
Kung sakaling may boyfriend nga si Kim, posibleng si Paulo na ‘yun, at hindi ibang lalaki.