Advertisers

Advertisers

Bong Go, No. 2 sa senatorial survey ng OCTA… ‘PATULOY AKONG MAGSESERBISYO SA INYO’

0 113

Advertisers

Nagpahayag ng pasasalamat at pangako si Senador Christopher “Bong” Go na patuloy siyang magseserbisyo sa sambayanan matapos ang magandang resulta sa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Hulyo 22 hanggang 26, sa mga posibleng kandidato sa pagkasenador sa 2025 mid-term election.

Pumapangalawa si Go na may 55 porsiyento sa “Tugon ng Masa” survey ng OCTA Research na kinasasangkutan ng 1,200 respondents mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Ito ay nagpapakita ng lumolobong suporta ng taongbayan kay Go. Mula sa ranking na 2nd-3rd na may 52 percent noong Marso 24-28, siya ay lalo pang tumatag sa pangalawang pwesto na may preference na 55 percent sa kamakailang survey na isinagawa mula Hulyo 22 hanggang 26.



“Maraming salamat sa patuloy na tiwala sa isang simpleng probinsyanong binigyan ninyo ng pagkakataon na makapagsilbi sa inyo,” sabi ni Go.

“Nakakawala sa aking pagod ang inyong patuloy na pagsuporta sa ating mga adhikain na makatulong sa mga mahihirap at pinakanangangailangan,” aniya pa.



Ang hamak na background ng senador bilang isang ‘probinsyano’ ay palaging nagtutulak sa kanyang karera sa serbisyo publiko.

Idiniin niya ang kanyang hangarin na “patuloy akong magseserbisyo sa inyo mula pa noon hanggang ngayon dahil bisyo ko na ang magserbisyo sa tao.”



Nangako si Go na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng mga panukalang batas at pagsuporta sa mga programa ng gobyerno, partikular sa mga hindi nabibigyan ng prebilehiyo, sa mga nawawalan ng pag-asa at walang kakayahan.

“Sa abot ng aking makakaya, patuloy akong magsusulong ng mga panukalang batas at susuporta sa mga programa ng gobyerno, lalo na ‘yung nakakatulong sa mga mahihirap nating kababayan, ‘yung mga hopeless at helpless, mga walang malalapitan kundi ang gobyerno,” paniniyak ng senador.

Go, who affirms his belief in serving the people as a divine calling.

“Sa muli, salamat sa inyong patuloy na suporta sa akin. Nagbibigay ito sa akin ng dagdag na lakas para mas gumampanan ko pa ang aking pagseserbisyo sa inyo dahil naniniwala ako sa serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” ayon sa mambabatas.