Advertisers

Advertisers

PSC AT DEPED PALARO

0 174

Advertisers

ISA sa susi ng tagumpay ng pagdaraos ng DepEd Palarong Pambansa ay ang kooperasyon ng Philippine Sports Commission tulad ng umarangkadang Palaro na host ang Marikina City.

Ang naturang grassroot scholastic regional sports program ay Department of Education ang may timon pero di kakayanin ng ahensiya kung di sila aayudahan ng PSC,ang ahensiyang pang-sports ng pamahalaan.

Malaking papel sa tagumpay ng Palarong Pambansa ang may kumpas na DepEd,PSC sa back-up ,manpower at teknikal na aspeto,host LGU,corporate sponsors at op kors ang media.



Walang iba kundi si Vice President at Dep Ed secretary Sara Duterte ang siyang kumumpas sa naturang pambansang kaganapan sa larangan ng sports upang maseguro ang tagumpay kumbaga sa orkestra ay sabay at nagkaisa sa saliw at timon ng bawat kumpas ni VP Sara sa iisang layuning tagumpay para sa mga kabataang atleta mula rehiyon sa buong kapuluan.

Layunin ng Palaro ,tulad ng mga PSC-organized events na Batang Pinoy Games at Philippine National Games ay ang tumuklas ng potensyal at penominal na atletang makapagbibigay ng karangalan sa bansa sa international competitions tulad ng SEAGames,Asian Games hanggang Olympic Games.



Kaya hats off ang korner na ito kay VP Sara, PSC chairman Richard Bachmann, Marikina City Mayor Marcy Teodoro at national sports associations.Saludo sa inyo!

Lowcut: Shoutout kay Ms Erika Antonio,media affairs ng Dep Ed.Ok naman ang kanyang pakikitungo at pag-estima sa media lalo sa mga taga- broadcast . Medyo nakalimutan lang na ito ay Palaro kaya ang print sports media ang kumokronikel ng blow- by – blow from day one to closing. Anyway,see you next PALARO!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">