Advertisers
BILANG tugon sa kamakailang insidente ng pamamaril sa Taguig City Headquarters na kinasasangkutan ng apat na tauhan ng Community Affairs Section, sinagot ng Southern Police District (SPD) ang usapin at nagbigay ng updat sa mga aksiyong ginawa.
Ayon sa SPD, insidenteng ito ay itinuturing bilang isang nakahiwalay na kaso at naniniwala na hindi na kailangang tanggalin ang mga sangkot na pulis sa kanilang mga tungkulin. Gayunpaman, nakatitiyak ang pamilya at sa publiko ang isang masinsinang, walang kinikilingan at mabilis na pagsisiyasat upang matiyak na ang lahat ng aspeto ng insidente ay komprehensibong natutugunan.
Ang pinakapriyoridad ng SPD ay tiyakin ang isang patas at malinaw na pagsisiyasat na magbubunyag ng katotohanan at magtatag ng pananagutan.
Sa malalim na imbestigasyon, nagpapasalamat ang SPD sa kooperasyon ng mga testigo sa kabila ng nakakagimbal na katangian ng insidente. Kapansin-pansin na nananatiling mataas ang moral ng kanilang kapulisan, at hindi natitinag ang kanilang pangako sa mga tungkulin bilang mga public servant.
Ipinaaabot din ang kanilang pasasalamat kay PCpl Señoron para sa kanyang mabilis na pag-iisip at matapang na pagkilos sa panahon ng insidente. Ang kanyang aktibong presensya ng isip at napapanahong tugon ay nakatulong sa pag-neutralize sa suspek at protektahan ang kanyang mga kasamahan, kabilang ang dalawang babaeng tauhan na naroroon sa opisina.
Ayon sa SPD, ang pangyayaring ito ay pumukaw sa kanilang atensyon na kilalanin ang kahalagahan ng pagpapalakas ng pang-araw-araw na mga programa sa personal na disiplina, tulad ng stress management initiatives ng PNP.
Ang mga pagsisikap na ito ay mahalaga sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng propesyonalismo sa hanay ng kanilang kapulisan. Pinaalalahanan din ng pamunuan ang lahat ng kanilang mga opisyal ng pulisya na manatiling kalmado at kontrolin ang kanilang mga emosyon at kumilos sa paraang angkop sa kanilang posisyon bilang mga tagapagpatupad ng batas.
Mapagpakumbaba din hinihiling ng SPD sa publiko na payagan ang imbestigasyon na tumakbo at huwag paniwalaan ang mga hindi na-verify na ulat tungkol sa insidente. (JOJO SADIWA)