Advertisers

Advertisers

Misis kinatay ng ka-live-in

0 47

Advertisers

Nasawi ang 49-anyos na ginang nang pagsasaksakin ng kinakasama sa Barangay San Isidro, Quezon.

Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan na agad niyang ikinamatay kinilalang si Lorena Maglaya, samantalang makaraang isagawa ang krimen tumakas ang kinakasamang salarin na si Josue Callejo, 53-anyos.

Ayon sa imbestigasyon ni PCpl.Allan Ritchie Salvatiera, officer on case, habang nasa loob ng kanilang bahay ang maglive-in partner 2:30 ng madaling araw nang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng patalim ang lalaki at pinagsasaksak ang kinakasama.



Tinutugis na ang salarin upang papanagutin sa krimen na hanggang sa kasalukuyan ay ina­alam pa ang motibo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">