Advertisers

Advertisers

HALOS 15 MILYON PISO HALAGA NG ILLEGAL DRUGS, NASABAT SA NAIA WAREHOUSE

0 46

Advertisers

HALOS umabot sa 15 milyon piso halaga ng iligal na droga na nakatago sa sampung abandonadong parcel ang nadiskubre ng PDEA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group at Bureau of Customs (BOC) mula sa Central Mail Exchange Center (CMEC) Port of NAIA, Domestic road, sa lungsod ng Pasay.

Ayon kay BOC Port of NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa, nasa sampung abandoned parcels na galing sa ibat-ibang bansa ang naharang ng mga awtoridad matapos na matuklasan na naglalaman ang mga ito ng iligal na droga.

Hindi nakalusot nang dumaan sa x-ray scanning machine ang limang abandunadong parcel kung saan naglalaman ng halos 544ml liquid marijuana na may tinatayang street value na aabot sa PhP32,640.00.



Habang ang lima pang kargamento ay naglalaman naman ng humigit-kumulang 8,446 piraso ng ecstasy tablets at 924 grams ng raw materials na may street value na aabot sa PhP 14,358,200.00.

Ang mga naturang parcel na naglalaman ng liquid marijuana ay nagmula sa mga bansa ng Taipei Taiwan, Ireland, at Malaysia na naka consignee naman sa mga taong nakatira sa mga lalawigan ng Dumaguete, Talisay City, Zamboanga City, Misamis Oriental, at Loyola Heights, Quezon City.

Habang ang limang parcel naman na naglalaman ng ecstasy tablets ay nagmula sa mga bansa tulad ng France, Amsterdam, at Netherlands kung saan ay nakapangalan ang mga ito sa limang personalidad na nakatira sa Caloocan City, Laging Handa, Quezon City, Pasay City at Bacoor City, Cavite.

Ang mga nasabat na illegal drugs ay dinala ng Bureau of Customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa tamang disposisyon nito. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)