Advertisers

Advertisers

SCREENING OFFICER NA INAKUSAHANG NAGNAKAW SA PASAHERO, INAKSYUNAN NG OTS

0 49

Advertisers

ANG Office for Transportation Security (OTS) ay gumawa ng aksyon upang patunayan ang impormasyon at pagsisiyasat hinggil sa alegasyon ng pagnanakaw na kinasasangkutan ng isang Security Screening Officer (SSO) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ,Pasay City kamakailan.

Nang matanggap ang impormasyon tungkol sa umano’y reklamo ng isang departing passenger laban sa isang airport employee na kumuha ng tatlong daang (300) US dollars ng una ay gumawa agad ng aksyon ang OTS kung may katotohanan ang naturang alegasyon.

Ang OTS ay nakipagtulungan sa Manila International Airport Authority (MIAA) at sa PNP-AvSegroup upang alamin sa pamamagitan ng CCTV kung sino-sino ang naka-duty sa may departure area at sakaling mapatunayan ang alegasyon ng pasahero ay may pananagutan sa batas ang gumawa nito.



Hinikayat ni OTS Administrator Undersecretary Ma.O Aplasca ang mga impormante na mag-ulat ng mga iligal na aktibidad na ginawa ng mga tauhan ng OTS upang sa wakas ay malinis ang hanay nito mula sa mga walang prinsipyong indibidwal.

Ayon kay Aplasca, noong ma-report ang unang insidente ng nakawan sa security screening checkpoint ay hindi siya nagdalawang isip tanggalin ito sa hanay ng ahensiya at sampahan ng kaso dahil sila ang sumisira sa imahe ng gobyerno.

“ yung mga nauna na sumisira sa gobyerno ay tayo mismo, ipinakulong natin ‘yung sarili nating tao. We even reported them to the public para huwag pamamarisan ng iba. Iniutos din natin yung removal ng jackets at ng bulsa ng kanilang uniform, as a preventive measure para maiwasan yung nakawan, pero parang mayroon pang iilan na hindi gumagawa ng maganda.”ayon kay Aplasca. (JOJO SADIWA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.