Advertisers

Advertisers

‘Confidential’ fund dapat linawin ng Korte Suprema

0 113

Advertisers

TAMANG ilapit na sa Korte Suprema ang isyu sa CONFIDENTIAL FUND. Dahil napaka-unfair sa atin na taxpayers na isikreto nitong mga halal na opisyal kung saan nila gagamitin ang pondo na ating pinag-ambag-ambagan bilang buwis para sa mga programa ng gobyerno.

Oo! Sinabi ng activist lawyer at dating mambabatas, Neri Colmenares, na panahon na para linawin ng Korte Suprema ang confidential at intelligence funds CIFs). Dahil masyado na itong naaabuso ngayon ng mga ahensiya ng gobyerno na hindi naman mandato ang maniktik para sa nasyunal na seguridad ng bansa. Mismo!

Partikular na pinatutungkulan ni Colmenares ang Office of the Vice President ni Sara Duterte-Carpio na mayroong P500 million CIFs, pati ang Department of Education (DepED) na si Sara rin ang Kalihim at mayroong P150 million CIFs.



Sa lahat kasi ng naging Vice President ng bansa, si Sara lang ang nagkaroon ng gabundok na pondo na ayaw ipaalam sa taxpayers kung saan ito gagamitin.

Ang CIFs kasi ay exempted sa auditing. Kaya hindi natin alam kung saan nila ito dinadala. Fuck!

Mula kay Gloria Macapagal-Arroyo, noong VP ito year 2000, ang kanyang CIFs ay P5.1 million lamang. Sumunod sa kanya si Teofisto Guingona, Jr. (2002, P5.1m), Noli De Castro (2005-2010, P6m per year), Jejomar Binay (2011, P6m), at Leni Robredo (2016-2022, walang CIF sa buong termino).

Dapat din linawin ng Korte Suprema kung tama bang padaluyan ng Presidente ng kanyang CIFs and Office of the Vice President (OVP) na walang CIFs sa General Appropriations Act (GAA)?

Ang OVP kasi ni Sara ay inayudahan ng P200 million mula sa CIFs ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022, ilang buwan pagkaupo nila sa puwesto. Kailangan daw kasi ni VP Sara ng pondo para sa mga programa nito, kungsaan ayon sa Makabayan bloc ay lumustay si VP Sara ng mahigit P200 million sa loob lamang ng 19 days noong 2022, base narin sa findings ng Commission on Audit (CoA)!

Nagpaliwanag naman dito ang Department of Budget (DBM). Nasunod daw lahat ng OVP ang mga requirement para mabigyan ng pondo mula sa Tanggapan ng BBM.



Pero giit ng Makabayan bloc, ito’y iligal dahil ang bawat pondo ng ahensiya ay dapat dumaan sa Kongreso. Kaya nais ipalinaw nina Colmenares sa Korte Suprema kung tama ba ang ginawang ito ng DBM at Office of the President?, at kung tama bang itago sa taxpayers ang paggagastusan ng pondo ng bawat ahensiya ng gobyerno?

Kaabang-abang ang magiging desisyon dito ng Korte Suprema. Abangan!

***

Hiniling ni Bayan Muna chair Neri Colmenares at dating mga mambabatas na sina Carlos Isagani Zarate at Ferdinand Gaite sa Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang Maharlika Investment Fund Act of 2023 nitong Lunes, Sept. 18, 2023.

Kasama rin sa petitioner si Senador “Koko” Pimentel.

Ang MIF ay pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. noong Hulyo. Ito ang kauna-unahang sovereign wealth fund, sinasabi ng gobyerno na magbabangon sa ekonomiya ng bansa.

Pero para sa mga kritiko, kabilang ang grupo ng mga negosyante, academia, economists, at opposition lawmakers, ito’y napakadelikado sa maling paggamit.

Ang inisyal na pondong P500 billion ng MIF ay mula sa national government, kabilang ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Land Bank of the Philippines, Develiopment Bank of the Philipines at PAGCOR.

Abangan natin kung ano ang magiging desisyon rito ng SC.

Leave A Reply

Your email address will not be published.