Advertisers

Advertisers

Mag live-in pinatay habang tulog sa loob ng bahay

0 77

Advertisers

NASAWI ang maglive-in partner nang pagbabarilin habang natutulog sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Naba, Barangay Mambaling, Cebu City, Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ng Cebu City Police ang mga biktima na sina Rolando Bangkal, 38 anyos; at Relina Tinapay.

Natagpuan ang mga biktima na parehong wala nang buhay sa kanilang tinutulugang kama at batbat ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan .



Sa insiyal na imbestigasyon, napag-alamang dalawang lalaki na parehong nakasuot ng full-face helmet at kapwa naka jacket ang pumasok sa bahay. Ilang ulit na pinagbabaril ng mga ito ang mga biktima gamit ang hindi pa matiyak na kalibre ng baril.

Ayon sa mga saksi, mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa hindi natukoy na direksyon.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, natuklasan mula sa mga residente na kilala sa kanilang lugar ang dalawang biktima at sinasabing nauugnay sa illegal drug trade.

Leave A Reply

Your email address will not be published.