Advertisers
PUMANAW na si Palawan 3rd District Representative Edward Hagedorn nitong Martes, Oktubre 3, sa edad na 76.
Kinumpirma ito ng opisina ni Hagedorn sa pamamagitan ng isang Facebook post Martes ng umaga.
“With heavy hearts, we inform you of the passing of a beloved friend, brother, husband, father, and public servant, Edward Solon Hagedorn,” saad ng post. “Our dear Congressman died peacefully on October 3rd, 2023, after 76 years of shining his light into the world.”
Hindi binanggit sa post ang dahilan ng pagpanaw ng kongresista.
Pinasalamatan din ng mga staff ni Hagedorn sa kaparehong post ang mga taong sumuporta at nagmahal umano sa Kongresista nang nabubuhay pa ito.
Matatandaang bukod sa pagiging House member ni Hagedorn sa 19th Congress sa unang pagkakataon, naging vice chairman siya sa iba’t ibang komite ng Kamara, kabilang na ang Committee on the West Philippine Sea.
Naging alkalde siya ng Puerto Princesa, Palawan mula Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 2001; at mula Nobyembre 12, 2002 hanggang Hunyo 30, 2013.