Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA panayam ni Boy Abunda sa Fast Talk, inamin ni Alden Richards na nagkagusto siya sa beauty queen na si Pia Wurtzbach.
Nangyari raw iyon noong hindi pa ito nananalo ng korona bilang Ms. Universe noong 2015.
Tanong ng King of Talk: “Alam ko matagal na ito, but I’ve always wanted to ask you this. Nagkagusto ka kay Pia Wurtzbach?”
Hindi naman ikinaila ni Alden na nabighani siya noon sa beauty titlist.
Susog ni Tito Boy: “Pero naipaalam mo sa kanya?”
Sagot ni Alden: “Hindi po.”
Ikinuwento rin ng Kapuso actor kung paano niya na-meet si Pia.
“Best friends sila ni Pauleen Luna, eh. Every now and then, Pia would go there to say ‘hi-hello’ to Pauleen, tapos nag-uusap sila. As in nakikita ko po siya nang hindi naka-glam,” pagbabalik-tanaw ng aktor. “After she won, and then, I saw her na biglang. . .parang. . .grabe. And you know, Tito Boy, I can attest that she has remained the same,” dugtong niya.
Sa naturang show, naurirat din ang actor tungkol sa kanyang reaksyon sa naging pag-amin ng Kapuso actress na si Mikee Quintos na na-in love ito sa actor noong nagkatrabaho sila sa seryeng “The Gift.”
“Ngayon ko lang po siya narinig. Actually, nagulat po ako na. . .’yun,” ayon kay Alden.
Gayunpaman, hindi naman niya ikinaila na naging close sila ni Mikee noong mga time na iyon.
Katunayan, hanggang ngayon daw ay magkaibigan pa rin sila ng aktres.
“Mikee and I were very close during the tapings,” aniya. “Kaming tatlo nina Mikoy (Morales) po, maliligalig kami,” pahabol niya.
Hirit pa niya, ang pagkakaintindi raw niya talaga ay friends lang sila ni Mikee.
“I don’t know, ako po kasi, ang understanding ko is at the context of friendship,” ani Alden.
Si Alden ay malapit nang mapanood sa hugot movie na “Five Breakups and a Romance” na palabas na sa Oktubre 18 sa mga sinehan sa buong bansa.
Ito ang unang pagtatambal nila ni Julia Montes mula sa direksyon ni Irene Villamor.