Advertisers
Ni JOVI LLOZA
ISA sa inaabangan sa journey ng celebrity
couple na sina Matteo Guidicelli at singer actress Sarah Geronimo ay itong pagkakaroon na ng bunga ang kanilang pagmamahalan.
Si Sarah ay 35 at si Matteo ay 33 na kumbaga kwalipikado na sila na maging nanay at tatay.
Sinalag naman ni Matteo ang tsikang ayaw pa ni Sarah na magbuntis o magkaanak.
Pareho nga raw willing na willing na sila na makabuo ng baby.
It’s a big blessing nga raw kung ipagkaloob na ni God sey ng UH host.
Busy sa kani-kanilang career sina Sarah at Matteo ganun na rin sa bisnes na kanilang itinayo.
Kung pagkakaroon ng anak ay atat na raw si Matteo na maging tatay.
***
DAHIL sa mga sexy post ni Heaven Peralejo sa kanyang IG, eto’t sinusulong at wini-wish ng madla na siya na ang mapili sa bagong version ng Dyesebel.
May mga tsika na kwalipikado ito na maging Dyesebel.
As in, pasok at kering keri nga raw nito na maging Dyesebel.
Nang matanong si Heaven if ever na i- offer sa kanya ang Dyesebel ay tanggapin ba niya?
Isang malaking yes naman ang sagot ni Heaven sa katanungan.
Tatanggi pa ba raw siya sa isang big project at opportunity?
Malalaman din naman daw ‘yun kung sakaling ialok sa kanya ang proyekto.
Well, well, well…’Yun na!