Advertisers

Advertisers

Nationwide transport strike ikakasa sa Oct. 16 kontra PUV Modernization program

0 20

Advertisers

ISANG malawakang tigil-pasada ang ikakasa ng transport group na Manibela sa darating na Lunes (Oktubre 16, 2023) bilang sagot sa ibinulgar na malawakang koruspsyon sa LTFRB.

Sinabi ni Manibela Chairman Mar Valbuena sa darating na Lunes hindi bibiyahe ang kanilang grupo at dadalhin nila ang kanilang mga sasakyan sa harapan ng LTFRB at sa harapan ng DOTr hanggang sa Malacanang at doon ipapahayag ang kanilang labis na pagkadismaya sa nagaganap na korupsyon sa LTFRB.

Sa isang press conference sa Quezon City sinabi ni Valbuena na ang desisyon magtigil-pasada ay bunga ng pagpapahirap sa kanila ng mga ahensya ng transportasyon at ang isinusulong na PUV Modernization program.



Ginawa ng lider ng transport group ang pahayag kasunod ng napipintong paggarahe sa mga traditional jeepneys sa katapusan ng taon bilang bahagi ng deadline ng pamahalaaan para sa PUV Modernization Program.

Isiniwalat din ni Valbuena ang talamak na malawakang katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay hindi lamang sa Modernization Program nagaganap ang korupsyon kundi maging sa pagbibigay ng prangkisa sa mga public utility vehicles.



“Ang kasamahan ko, araw-araw pinakakain niyo kami ng kaba na hanggang December 31 na lamang kami.”
Kasabay ng pahayag ni Valbuena ay ang ibinulgar na katiwalian sa LTFRB ni dating Executive Assistant Jeff Gallos Tumbado na talamak umano ang korapsyon sa LTFRB hanggang sa DOTr na aabot umano ang katiwalian hanggang sa Malakanyang ayon Tumbado sa isinusulong na PUV Modernization program

Kaugnay nito magugunitang pinalagan ng grupong Manibela ang isinusulong na PUVMP modernization program ng DOTr at LTFRB dahil mabubura umano sa kalye ang mga traditional na jeepney. Pinipilit umano sila ng gobyerno na bumili ng modernized jeepney na masyadong napakamahal kumpara sa mga gawa sa ‘Pinas. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">