Advertisers

Advertisers

COMELEC sa mga kandidato sa BSKE: ‘5.00 PISO LANG PUEDENG GASTOS SA KADA BOTANTE’

0 56

Advertisers

MARIING nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na tumalima sa kasalukuyang awtorisadong gastos na nagkakahalaga ng P5 kada rehistradong botante.

Inihayag ito ng Comelec sa pagsisimula ng campaign period nitong Huwebes para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang pinapayagang gastusin ng mga kandidato ay limang piso kada rehistradong botante sa nasasakupan kung saan sila naghain ng kanilang kandidatura.



Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, sa loob lamang ng kanilang mga barangay ay mangangampanya ang mga kandidato kaya sapat na ang rate na ito.

Hindi awtorisado ang mga kandidato ng BSKE na bumili ng bagay na may halaga tulad ng t-shirts at iba pang paraphernalia para sa mga botante.



Hindi rin maaring gumastos para sa entertainment at pagkain sa panahon ng pagtitipon para sa kampanya.

Bawal din ang raffle at kaugnay na aktibidad.



Tungkol sa campaign assemblies, entertainment, at pamamahagi ng pagkain, hindi pinapayagan ang mga ito dahil ang mga ito ay tumutukoy sa vote buying. Sa mga gawaing ito, sinabi ng Comelec na lumalampas sila sa awtorisadong paggasta sa halalan.

“Magiging vote buying po ‘yan, lalo na kung mamimigay sila ng direktang pagkain sa ating mga botante,” ayon sa poll body.

Aniya, maaaring mangampanya ang mga kandidato sa pamamagitan ng pagtatakda ng meeting de avance kung saan maipaliliwanag nila ang kanilang mga plataporma.

Maaari rin silang mangampanya sa pamamagitan ng social media, bisitahin ang kanilang mga nasasakupan, mamigay ng mga polyeto, o magsagawa ng mga motorcade.

Binigyan-diin din ni Laudiangco na ang mga taga-suporta ay hindi nararapat na gumastos o mag-isponsor ng kam-panya ng mga kandidato dahil maaari rin silang managot.

Dagdag pa ni Laudiangco, dapat linawin ng mga kandidato ang libreng serbisyong natanggap nila mula sa kanilang mga tagasuporta.