Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAGBABAKASYON next month sa Barcelona sa Spain sina Derek Ramsay at Ellen Adarna at pagbalik nila ay tututok na si Derek sa promotion ng pelikula niya na pasok sa 49th Metro Manila Film Festival 2023, ang (K)ampon.
Happy siyempre si Derek na pasok sa top 4 ang entry nila sa MMFF.
“Well, siyempre that’s very rewarding, ‘no. I think over twenty movies were submitted. Napili kami sa Top 4, so at least wala ring stress.
“So, nung shinoot namin, first time… hindi first time, pero matagal na akong hindi gumagawa ng horror. And according kay Atty. Joji maganda daw yung pinakita ko sa pelikula,” pagtukoy ni Derek sa producer ng pelikula nila na si Atty. Joji Alonso
“So, tingnan natin. Ako, akala ko, nakalimutan ko nang umarte,” at natawa ang hunk actor.
Bukod sa (K)ampon, ang first 4 entries ng MMFF ay Penduko, Rewind, at Family of Two: Mother and Son Story.
Ang anim na kasali pa na ini-announce ni Atty. Romando Artes, Overall Chairman ng MMFF 2023 ExeComm kamakailan ay ang When I Met You In Tokyo, Becky & Badette, Mallari, Firefly, Broken Hearts’ Trip, at GomburZa.
Samantala, ayon pa kay Derek, retired na siya sa telebisyon o teleserye, pero kapag pelikula ay tatanggap naman daw siya basta maganda ang proyekto.
“Yeah, I think I wanna retire from TV. But big screen, of course, if there’s a very nice script.”
Abala rin si Derek sa negosyo dahil bukod sa construction business niya, may bago siyang negosyo, ang yelo o ice plant business.
“Si Mr. Freeze is the King of Ice in the Philippines, so nag-franchise ako ng isang ice plant sa Bulacan and then I started my construction company.
“So, just trying to keep myself busy. Yung construction, passion lang naman, e.”
Isa si Derek sa mga champion sa ginanap na 3rd SamLo Cup na birthday celebrity gold tournament ni Samantha Lopez.
Fund-raising project ito ni Samantha na ang lahat ng proceeds ay para sa mga bata sa Kids For Jesus Foundation ng kaibigan niyang si Jessica Guevara-Everingham.
Star-studded ang SamLo Cup; naroroon sina Christopher de Leon at misis niya na cast member ng Magandang Dilag na si Sandy Andolong, Glenda Garcia (na abala sa bagong GMA series ni Jo Berry na Atty. Matias), si Maey Bautista, Janelle Jaymer, Randy Santiago at Dingdong Avanzado na parehong nag-mini concert, same with 6Cyclemind vocalist na si Tutti Caringal na ang ganda pala ng katawan at ang hot mag-perform, si Geneva Cruz na umawit kasama ang mga bata ng Kids For Jesus Foundation na beneficiary ng SamLo Cup, at si Cesar Montano.
And speaking of Samantha, lagare ang actress/dancer dahil sabay siyang nagte-taping for Love. Die. Repeat with Jennylyn Mercado for GMA na soon-to-air at Good Will for Net 25, produced by Korina Sanchez na umeere na ngayon.
***
BIDA ang newbie actor at social media influencer na si Daniel Bautista sa Online in Love.
“Ako po si Lance Nakamura dito, ako po dito yung palatawa, pala-joke, tapos yung medyo jolly po sa ibang influencers din po, parang ganun din po sa totoong buhay, pala-smile.
“Then isa din po akong cultural dancer po sa series, which is connected din po sa totoong buhay ko na cultural dancer din po ako. Then si Lance po ay isang masayahin, sumali po siya sa online influencer para maging proud yung mother ko.”
Ano ang primary platform niya sa social media?
“Ang social media platforms ko po are Facebook, Tiktok… may Youtube po ako pero hindi na po siya active.
“Sa Facebook po ako nag-start mag-post ng mga yung parang nagbibigay ng kuwento ng life mo sa iba, parang ganun, para ma-inspire po sila na ganun din po yung gawin nila, and then sa Tiktok naman po, dun ko po pinu-pursue yung pagsayaw ko, at saka pagpapasaya din po ng mga nanonood,” kuwento pa ni Daniel.
Bukod kay Daniel ay introducing sa “Online In Love” sina Gab Rosales at Daniel Bautista, kasama sina Jassy Calupitan, Jewel Gines, Marissa Joelle, Pink Rose, at Oreo Libios.
Ang limited online series na ito ay sinulat ni Eldrin Veloso, at ang executive producer ay si Marissa Joelle (na kandidata rin sa Mrs. Philippines 2023), line produced by Mabuhay PH, at sa direksyon ni Jag Cruz isang indie filmmaker na siya ring director ng “A Journey With Joanna Marie” na isang lifestyle show aired over Light TV.
Mapapanood ang Online In Love ngayong Nobyembre 2023 sa Youtube at iba pang streaming platforms.