Advertisers

Advertisers

‘Missing’ beauty queen huling nakita sa mall sa Batangas

0 55

Advertisers

NAMATAAN sa isang mall sa Batangas ang beauty queen at guro na si Catherine Camilon ilang oras bago siya tuluyang hindi makontak ng pamilya.

Base ito sa CCTV footage na nagawang makuha ng Tuy Police Station kungsaan makikitang naglalakad mag-isa si Catherin sa isang mall sa Lemery.

Sa pinakahuling mensahe naman ni Catherine sa kanyang ina, nakasaad na nasa isang gasoline station siya sa Bauan, Batangas.



Humingi ng tulong sa publiko ang pulisya ng lalawigan ng Batangas upang mahanap si Catherine.

“Hanggang ngayon negative. Nag-a-appeal din kami sa taumbayan, if there is some information na puwedeng ibigay sa amin para mabilis ang pag-usad,” ayon kay Captain Pauline Fernando, PIO Chief ng Batangas PPO.



Inaalam din ng pulisya ang mga impormasyon tungkol sa sasakyan na gamit ni Catherine nang mawala siya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">