Advertisers

Advertisers

Expectation vs Reality!

0 54

Advertisers

Yung inasahan sa Gilas sa FIBA 2023 World Cup ay mataas pero sably sila sa aktuwal.

Yun namang Gilas sa 19th Asian Games ay mababa expectation nguni’t pinalad silang nakaginto para sa Pilipinas.

Paano ang haba ng preparation sa WC at tayo pa ang main host country. Kulang lang ng dalawang key player sa kanilang praktis



Yun naman sa Asiad sa Hangzhou ay mga isang linggo lang sila na kumpleto sa naging ensayo ng team.

Sa dulo magkaibang-magkaiba ang resulta.



Isang nasa taas at isang nasa ibaba.

Ganyan talaga ang buhay.Parang bola. Hehe.



Sa UAAP may mga inaasahan ding nasa ibabaw ng standings sa ngayon, kaso nasa bandang gitna lamang.

Siyempre defending champion ang Ateneo de Manila kaya inakala ng marami na nangunguna ang Blue Eagles, kaso tie lang sila sa pang 3rd, 4th at 5th sa kartadang 3W- 3L.

Ire naman University of Santo Tomas na may nagbabalik na champion coach at may backing pa ng higanteng korporasyon ay expected na mag-improve ng maigi. May Pido Jarencio na bench tactician na ulit, may San Miguel Corporation pang sponsor. Naku minamalas pa ang Growling Tigers. Ang nangyari ay kulelat at wala pa kamong panalo ni isa.

Kung sabagay may 2nd round pa sila para makabawi. Tingnan natin Francis W.

***

Yung revelation ni EJ Obienna na hihinto na sana siya sa paglalaro kung hindi naayos ang gulo sa pagitan niya at ang Philippine Athletics Track And Field Association ay eye-opener sa lahat.

Maraming atleta ang frustrated sa kanilang National Sports Association na naging sagabal sa pag-angat ng kanilang game.

Yung iba kasi sobrang istrikto at hindi marunong ng tamang pag-aalaga sa kanilang mga manlalaro.

Yung kina Obienna at PATAFA masyadong na highlight sa media. Dapat tahimik na lang nila inayos ang sigalot.

Paano nga naman makopokus ang pole vaulter natin sa laban kung nasa isip niya ang kontrobersya.

Kung sakali wala tayo ngayon na No. 2 sa mundo at Asiad gold medalist.

Yan ang tunay na lessons learned Chot Reyes.

***

Ire namang si Niño Muhlach may pa torneo ng billiards. Ang tinagurian noon na child wonder ay ito ang napiling sport na i-promote. Karaniwan yung ibang celebrity ay golf fundraisers ang tipo tulad nina Arnold Clavio na may Igan Cup at si Richard Gomez na may Goma Cup. Yan kasi paborito nila mismong laruin.

Itong si Onin nga 9-ball naman ang hilig kaya 3rd year na ng kanyang Celebrity Invitational sa ika-29 ng Oktubre.