Advertisers

Advertisers

Jillian tinaguriang pambansang soap opera princess; Ynna makabuluhan ang YT channel

0 30

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MATAPOS maging guest sa pilot episode ng Youtube talk show niyang Behind The Scenes ang ina niyang si Nadia Montenegro (My Momma’s Journey), si Jennica Garcia naman ang naging guest ni Ynna Asistio sa episode 2 na pinamagatang Mother, Rising Back Up.
Dito ay maraming napag-usapan ang matalik na magkabigan, mula sa pagsisimula ni Jennica sa pag-aartista hanggang sa kasalukuyang estado ng buhay niya bilang single mother.
Magkahalong tawanan at emosyon ang pumuno sa naturang episode.
Sa episode 3 naman ng Behind The Scenes With Ynna ay si Jamey Santiago Manual ang panauhin ni Ynna sa episode na A Multifaceted Mother.
Si Jamey ay asawa ng StarStruck Season 4 Avenger na si Jan Manual.
Si Jamey ay isang TV host, aktres sa 700 Club Asia at Pastora sa Lifegiver Elliptical.
Sa episode 4 naman na kapapalabas lamang ay si Erin Ocampo ang guest ni Ynna. Siyam na taon na magkaibigan sina Ynna at Erin na nagkakilala sa isang episode noon ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN 2.
Si Erin ang ina ng anak ng singer na si Michael Pangilinan at sabi nga sa amin ni Ynna, “First time po niya nakuwento yung mga pinagdaanan nila ni Michael Pangilinan!”
Kaya panoorin niyo ang naturang episode nina Erin at Ynna na pinamagatang Fearless Mother kung saan may mga pasabog na kuwento si Erin.
Lahat ng episode ng Behind The Scenes With Ynna ay mapapanood sa Youtube (na may bagong episode tuwing Sabado, 6 p.m.) sa https://www.youtube.com/@behindthesceneswithynna.
Ang latest episode naman ay panauhin ni Ynna si Denice Sy na may pamagat na A Mother’s Heart.
Si Denice ang utak sa likod ng mga beauty brands like Ever Bilena, Spotlight, Hello Glow, Careline at marami pang iba.
Si Denice rin ang Chief Sales & Marketing Officer ng Ever Bilena, ang nangungunang local cosmetics company sa Pilipinas.
***
MAGWAWAKAS na ngayong Sabado sa GMA ang Captain Kitten episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko at patuloy itong humahamig ng mataas na ratings!
Base sa datos ng NUTAM People Ratings palaging runaway winner ang rating na nakukuha ng Daig Kayo Ng Lola Ko kontra sa mga katapat nitong programa.
Bida sa Captain Kitten ang Star of the New Gen na si Jillian Ward.
Natanong si Jillian, since malapit na ang Pasko, kung ano ang bakasyon na plano niya.
“Naku, ayan nga po yung medyo nahihirapan po ako, kasi hindi ko alam kung paano magbabakasyon. Actually, kunwari po sa taping, yung three days ko po na bakasyon na rest day, sobrang laking bagay na po yun for me.
“Pag-iisipan pa po namin kung saan po kami sa Pasko, pero ang importante lang po sa akin is kasama ko sila, kahit sa bahay lang po. Kasi, kami po sa family parang hindi po kailangan ng engrande na bakasyon para mag-enjoy.
“Minsan, mas nag-e-enjoy kami kapag nagsisimba lang kami magkakasama, kakain sa bahay, ganyan,” kuwento ni Jillian.
Samantala, all-praises kay Jillian ang Captain Kitten director na si Rico Gutierrez lalo na ang professionalism ni Jillian na super-busy sa isa pa niyang project ang Abot-Kamay na Pangarap.
“Of course, siyempre, si Jill minsan sinasabi namin, ‘Jill okay ka pa? Isa pang take?’ Sasabihin niya, ‘Kaya pa Direk, kaya pa natin yan!’
“Na-appreciate ko kay Jill yun, na bilang napaka-professional niya. At gusto ko lang din sabihin na parang bilang siya ang pambansang soap opera princess, yung kanyang longest soap, yung Abot-Kamay na Pangarap, minsan, siyempre may cut off siya sa amin.
“Kasi, the next day kailangan siya mag-shoot ng soap niya. Pero binibigay pa rin niya yung 100 percent niya.
“Hindi siya nagpapakita na inaantok siya or pagod siya or nagmamadali siya. Na-appreciate ko yun kay Jill, napaka-professional niya talaga,” wika ni direk Rico.
Napapanood ang Captain Kitten Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.