Advertisers

Advertisers

Paglaglag ng MMFF entry ni Nora at pagpasok kay Vilma, mainit na isyu pa rin

0 13

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

MAINIT pa ang diskusyon hinggil sa pagkaligwak ng pelikulang “Pieta,” na tampok sina Nora Aunor, Alfred Vargas, Jaclyn Jose, Bembol Roco, Ina Raymundo at Gina Alajar sa MMFF.
Pieta is the festival of the three greatest Filipino actresses, National artist and Cairo International Filmfest best actress (The Flor Comtemplacion Story), Cannes International best actress Jaclyn Jose (Ma Rosa) and best supporting actress Gina Alajar.
Hindi pwedeng tawaran ang galing sa paglikha ng istoryang pampelikula ni Jerry Gracio at sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.
E, teka bakit nga di nagustuhan ng MMDA’s screening committee na pinamumunuan ni Jesse Ejercito (dating movie producer), MMDA Chairman Atty. Romando Artes, Atty. Rochelle Ona and spokeperson Noel Ferrer.
Tumaas ang kilay ng avid moviegoers dahil may napili na first four na pelikula dahil sa ganda ng screenplay (gan’un?). Maging ang pagbibigay ng deadline for four films to complete the Magic 8 was postponed.
Last Oct. 17, nagpatawag ng presscon ang MMDA at laking gulat ng working press, anim na ang pipiliin nila dahil nagkaroon daw ng triple tie (first time nangyari ‘yan sa film selection). Isa na ang pelikula nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa nakapasok. Teka….nasaan kaya ang resibo o ebidensiya na may tie talaga?
Pelikula ni Nora, National Artist..ligwak? Isama pa natin ang In My Mother’s Eye (bida, Maricel Soriano at Roderick Paulate), Lola Magdalena
(Gloria Diaz, Liza Lorena, Pia Moran, Perla Bautista), Moro (Laurice Guillen, Piolo Pascual), Noturno (Nadine Lustre), Hiwaga (Vince Tanada) at iba pa.
Nasunod kaya ang criteria sa pagpili sa sampung (10) pelikula, Artistic Excellence – 40%, Commercial Appeal -40%, Filipino Cultural Values – 10% and Global Appeal – 10%.
***
LA AUNOR, GAMIT NA GAMIT
ILANG taong tumigil si Vilma Santos sa paggawa ng pelikula. Aminin, mas pinaboran niya ang pagiging pulitiko. Kumpara kay Nora Aunor, buhat nang bumalik siya sa bansa ay gumawa na siya ng mga pelikula, na may artistic and global appeal.
Ang mga pelikulang Thy Womb, Taklub, Ang Kuwento ni Mabuti, Hustisya, Dementia, Hinulid, Tuos, The Whistleblower, Kabisera at Isa Pang Bahaghari kahit Covid pandemic, at natapos niya ang Kontrabida, Ligalig, Mananambal at Pieta.
Kung sa mga achivements ni Ate Guy, her international best actress, recognitions here and abroad, ay puno na ang isang warehouse (na rerentahan para paglagyan no!)
Ang pagiging Alagad ng Sining ni Ate Guy ay katangi tangi, kahit si Vilma Santos ay mahihirapang makamit. Susme, Vilma’s achievements ay kulang kaya ligwak sa first deliberation.
As of presstime, naghahanda na si Ate Guy patungong Fukouka, Japan para tanggapin ang award mula sa World Class Excellence Japan Awards kung saan founder at CEO si Emma ‘Emcor’ Cordero.
Ngayon, matindi ang pangungutya ng fans ni Vilma dahil pasok sa MMFF When I Met You in Tokyo.
Sa social media, gamit na gamit si La Aunor kaya nga ang pangulo ng Noranians Worldwide na si Edgar Castro ay may mensahe na, “hiya naman ako sa star margarine of all seasoning. Halata naman na ginagamit na kami at si Ate Guy para pag-usapan ang pelikula niya. Sana i-promote na lang movie nila di kami ginagamit.”