Advertisers

Advertisers

Mas mataas na multa vs bus lane violators simula Nov. 13 —MMDA

0 8

Advertisers

INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes na mas mahaharap sa mas mahigpit na parusa na aabot sa P30,000 ang mga private motorists na gagamit ng EDSA bus lane simula Nobyembre 13.

Nauna nang inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolusyon na nagdaragdag ng parusa sa mga gagamit ng exclusive city bus lane/bus carousel lane sa kahabaan ng EDSA.

Sa ilalim ng MMDA Regulation No. 23-002, ang increased fines para sa paglabag sa parehong pampubliko at pribadong sasakyan ay:



First offense – P5,000 na multa
Second offense – P10,000 na multa kasabay ng isang buwang suspension ng driver’s license, at sasailalim sa isang road safety seminar.
Third offense – P20,000 na multa kasabay ng isang taong suspension ng driver’s license.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">