Advertisers

Advertisers

PAGPAPALAKAS NG FOOD PRODUCTION IPINAG-UTOS NI MARCOS

0 8

Advertisers

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na paigtingin pa ang suporta sa mga lalawigan na apektado ng El Niño phenomenon para tumaas ang food production.

Ginawa ni PBBM ang direktiba kasabay ng pangako na patuloy na magbibigay ng tulong ang administrasyon sa mga vulnerable sectors sa kabila ng pagbaba ng inflation rate noong nakaraang buwan.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni National Economic and Development (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon na kahit sumadsad ang inflation ay mahalagang ma-monitor pa rin ang presyo ng mga commodities partikular ang pagkain, transportasyon at enerhiya sa gitna ng mga pandaigdigang hamon tulad ng geopolitical issues at maging ng El Niño.



Una nang ibinida ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagsak sa 4.9 percent ang inflation nitong Oktubre mula sa 6.1 percent noong Setyembre ngayong taon.

Matatandaang inanunsiyo naman ng PAGASA na nakakaranas na ng bahagyang El Niño ang Pilipinas at inaasahang mas titindi pa ito sa unang quarter ng 2024.



Para maibsan ang epekto nito, kasalukuyang ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pilot run ng food stamp program na mas palalawakin pa sa susunod na taon. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">