Advertisers

Advertisers

Titser kinatay sa loob ng iskul

0 16

Advertisers

NATAGPUANG bangkay ang isang lalaking guro sa loob ng Baybay City National High School sa Baybay City, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Peejay Montero, 27 anyos, isang MAPEH teacher, at residente ng Barangay San Isidro sa Baybay City.

Ayon sa impormasyon mula sa Leyte Police Police Provincial Office, Linggo ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng guro malapit sa tangke ng tubig na ilang metro lamang ang layo mula sa opisina nito.



Ayon sa PNP, nagkalat ang dugo sa opisina ng biktima at may mga saksak sa katawan si Montero na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Sinira rin ng salarin ang padlock ng opisina ng guro.



Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">