Advertisers

Advertisers

16 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NASAGIP SA ‘PROSTITUTION DEN’ SA PARAÑAQUE

0 17

Advertisers

DALAWANG chinese national na umano’y sangkot sa human trafficking ang nahuli sa joint operation ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pakikipagtulungan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), District Mobile Force Battalion – Southern Police District (DMFB-SPD), at Paranaque City Police Station matapos na makatanggap ng impormasyon na ginagawang prostitution den ang ikapitong palapag na inuupahan nila sa Sinocan Corporate Center, Asiana Business Park, Parañaque City.

Nakilala ang dalawang dayuhan sa alyas Han ay Sun, nasa hustong-gulang, pawang nakatira sa mainland China.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang pag-aresto ay naganap bandang alas-9 ng gabi, November 7 (Martes ) sa 7th floor ng Sinocan Building, Barangay Tambo,Parañaque City.



Nabatid sa ulat na nakatanggap ng intelligence report ang mga otoridad na mayroong ‘sex den’ sa nabanggit na gusali kung saan ay ginagawa lamang ‘front’ ang isang massage parlor upang hindi mabuko ang nasa likod ng iligal na aktibidad nito.

Nagsagawa ng pagbisita ang mga ahensya ng pagpapatupad ng batas sa nasabing gusali at sa panahon ng operasyon, natuklasan ng mga opisyal ang isang prostitution den sa ika-7 palapag ng gusali, na humantong sa agarang pag-aresto sa dalawang suspek.



Bukod dito, nagresulta ang operasyon sa pagsagip sa 16 na empleyadong biktima umano ng human trafficking.

Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa mga reklamong may kaugnayan sa human trafficking, at ang karagdagang imbestigasyon ay isinasagawa upang matukoy ang lahat ng indibidwal na sangkot sa naturang criminal activities.



Pinuri ni PBGen Mark D PesPes, OIC ng Southern POlice District (SPD) ang pagpuksa ng human trafficking at pagtiyak sa kaligtasan at kagalingan upang protektahan ang komunidad. Ang operasyong ito ay sumasalamin sa hindi natitinag na dedikasyon ng kapulisan sa paglaban sa mga ilegal na aktibidad at pagprotekta sa ‘vulnerable individuals’ mula sa pagsasamantala. (JOJO SADIWA)