Advertisers
Marami tayong natatanggap na sumbong mula sa mga players ng Midas Hotel & Casino patungkol sa di parehas na treatment ng ilang opisyales ng nasabing casino na empleyado mismo ng hotel at di sakop ng Pagcor.
Patungkol ito sa pagkain na isiniserve sa mga players.
Para umano maka- avail ang mga players ng libreng buffet ay kailangang makaipon ka ng corresponding points na itinatala o nire- record sa iyong membership card.
Para makaipon ng points ang isang player, kailangang maglaro ka ng mahabang oras na nangangahulugan ng pamumuhunan ng malaki- laki ring halaga.
Sa mga baccarat tables at silat este slot machine nare-record ang mga corresponding points na required ng Midas Hotel management.
Again,hindi po ang Pagcor ang may sanction sa food and beverages na isiniserve sa mga casino players kundi ang mismong management ng Midas Hotel.
Mahigpit ito pagdating sa points system na pinapatupad nila.
Walang points,walang buffet o pagkaing libre para sa mga players.
Tanging libre lang ay kape,juices at mineral water.
Ok na sana kung naipapatupad ito ng parehas pero ang masakit, may ilang tiwaling opisyal at waitress & waiters ang tumatanggap ng tips mula sa ilang players para maging open sila sa pag- avail sa buffet at iba pang pagkain sa dining area kahit walang accumulated corresponding point na itinatadhana.
Mula 200- 300 pesos na patagong ibinibigay sa mga staff na namamahala sa dining area, puwede ka ng magpakasawa sa buffet.
Kawawa ang di nagbibigay ng lagay na maliliit o regular players.
Mamatay ka sa gutom at walang pakialam ang Midas Hotel & Casino management.
Ang masakit,yung mga matataas na opisyales ng Midas ay nagpapasasa sa buffet at iba pang pagkain sa pamamagitan ng pagpapapirma ng kanilang vouchers for buffet and other foods sa mga high roller or VIP players mostly Chinese at foreigners.
Isa sa mga isinumbong na gumagawa nito at nagpapapirma para sa pagkain ng mga Midas officers ay isang alias Madam Ella.
Wala magawa sa reklamo ng mga players ang mga gaming officers ng Pagcor dahil sa ang Midas Hotel nga ang direktang incharged sa pagkain.
Di lang natin alam sa ngayon kung sinong concessioner ang nakakuha ng kontrata para sa pagkain ng mga players ng Midas Hotel & Casino.
Alam naman natin milyones ang kontrata para dito pero bakit parang binabarat ang pagkain na allocated sa mga players?
May naka-komisyon nga bang kung sinong Herodes at gustong bawiin ng concessioner ang nakuhang tongpats?
Pati beer ay mahirap maka-avail ng complimentary unlike sa ibang casino gaya ng City Of Dreams, Okada, Solaire at Resorts World na maluwag ang mga freebees na pagkain at beverages.
Kaya naman pala lahat ng mga casino outlets ng Pagcor ay nalulugi na.
Pumasok na kasi ang matinding korapsiyon mula sa pinakamababang level pataas.
Umabot na kaya ang corruption nangyayari sa loob ng Pagcor hanggang sa opisina ni Pagcor Chairman Al Tengco?
Sa Midas Hotel & Casino palang,marunong nang mangurakot ang mga mismong mga waitress at waiters na direktang kakutsaba ang kanilang mga immediate superiors na gaya ni Madam Ella at mga kasamahan nito.
Selective ang mga opisyales na ito sa pagkakaloob ng mga accomodations at mga pribileho sa players.
Palakasan at talagang pera-pera.
Garapalan in short.
May nagtip satin na ngayon pa lang,buo na ang plano kung sino o kanino mapupunta ang Ford SUV na major prize ng Midas Hotel & Casino para sa kanilang Christmas grand raffle promo this coming December.
Promo nga ba ito o masasabing scam at pangdodorobo sa mga kawawang players ng Midas Hotel & Casino na naglulustay libu- libong salapi araw at gabi?
Pambubudol ito sa salitang kalye na ginagawa sa mga casino players na binibiktima at nilulugmok sa kultura ng pagsusugal.
Sa susunod nating isyu,aalamin naman natin kung may ilan nga bang dealers ang mga hustlers at designated para dayain ang mga players ng Midas Hotel & Casino?
Di na ito “fair gaming” in disguise of charity purposes kung may sindikatong nagmamanipula at nandadaya partikular na sa larong baccarat.
Kung may mga dealers na hustler at kayang dayain ang pagde- deal sa larong baccarat.
More on these sa mga susunod nating pagtalakay.
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com