Advertisers
NAKALADKAD ang isang babae nang tangkain hablutin ang kaniyang bag ng riding in tandem snatchers sa Quezon City.
Tumatawid ang tatlong babae papunta sa isang Chinese restaurant sa Banaue, Quezon City 6:00 ng gabi ng Oktubre 28 nang biglang dumaan ang motorsiklo sa likod ng mga babae at hinablot ang bag ng isa sa kanila.
“Nagkaroon siya ng mga konting sugat lang at laceration sa ulo,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Romil Avenido, Station Commander, Quezon City Police District Station 1.
Bagama’t ayaw nang magreklamo ng pamilya ng biktima, patuloy parin nag-iimbestiga at nangangalap ng mga CCTV footage ang mga pulis para makilala ang mga salarin na mabilis na nakatakas.
Ayon sa pulisya, tuwing papalapit ang pasko ay tumataas ang petty crimes dahil kapag dumadami ang tao sa lansangan at iba pang lugar ng pasyalan, lumalaki ang oportunidad para sa mga mapagsamantala.
Kaya magpapakalat ang National Capital Region Police Office ng karagdagang tropa para magpatrolya. (Almar Danguilan)