‘Kalinga sa Maynila’, balik na uli – Mayor Honey
Advertisers
Kahapon, Martes, Nov. 7, 2023 ay pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagbabalìk ng service-oriented na “Kalinga sa Maynila” fora na ginawa sa Zaragoza Street, harap ng Rosauro Almario Elementary School sa first district ng Tondo,
Ang nasabing event ay sakop ang mga Barangays 17, 19, 28 at 30 at kabilang dito ang nakagawian na ‘ugnayan’ kung saan ang mga residente ay maaaring makapagtanong ng kahit na ano at personal namang sasagutin ng lady mayor.
Kasamang ibinibigay sa nasabing okasyon ang job fair, service fair, free medical consultation at free basic medicines.
Anf “Kalinga” ay ginawa ng Manila city government sa mga barangays para dalhin ang pangunahing serbisyo ng Manila City Hall ng direkta sa sa mamamayan ng Maynila.
Ang highlight ng bawat ‘Kalinga’ ay ang open forum kung saan ang mga residente ay maaaring i-ere ang kanilang mga concerns at dalhin ng direkta sa atensyon ng alkalde o sa mga hepe ng iba’t-ibang departamento, ahensya, tanggapan kung saan patungkol ang kanilang mga concerns o katanungan, dahil sila man ay dinadala ng alkalde sa mismong ‘Kalinga’.
“Ang ugnayan ay ating isinasagawa sa ating mga nasasakupan kung saan maaring magbigay o maglabas ng suhestiyon, galit, saloobin at mga tanong,” pahayag ng alkalde.
Ang mga residente ay maaari ding lumapit sa help desks na inilagay sa paligid ng ‘Kalinga’ para sa kanilang personal na pangangailangan.
Matatandaan na ang nasabing programa ay pansamantalang tinigil dahil sa pagsasagawa ng Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE), kung saan sa nasabing panahon ang mga gawain tulad ng barangay fora ay ipinagbabawal.
Ang ‘Kalinga’ ay pansamantalang hininto noong September 15, dahil sa isinagawang October 30 BSKE. (ANDI GARCIA)