Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NOONG November 5 ay birthday ni Cong. Arjo Atayde. Nag-post ang kanyang mommy na si Sylvia Sanchez sa Facebook account nito ng madamdaming message para sa kanya.
Post ni Ibyang published as it is,”Tandang tanda ko pa ang araw ng kasal mo. Pagkagising ko pinuntahan kita sa room mo, kabado at naiiyak ako pero sobrang saya ko at kinulit kulit pa kita.
“Nakita kong ganoon din ang nararamdaman mo, kabado, masaya at naluluha luha pero kahit pilit mong tinatago sa akin ang tunay mong nararamdaman kitang kita ko yon nak.
“Kaya dali dali kitang pinustahan kung sino unang maiyak sa ating dalawa sa kasal mo, talo!!!!”
“Pero ayaw mong pumusta kasi alam mong matatalo ka. Sadyang nilakihan ko ang pusta ko dahil alam ko mananalo ako. Sayang hindi ka pumusta nak, nanalo sana ako. Ahahahaha!”
“Anyway, today is your 1st Birthday na may Asawa ka na. Nasa tamang Path ka @arjoatayde sa pagiging Anak, Kapatid, Actor, Public Servant at sa pagiging Asawa.
“Masaya ako para sayo at higit sa lahat masaya ako kasi nakikita kong sobrang masaya ka at mahal ka at mahal mo ang mga in laws mo at sobbbbrang masaya ka lalong lalo na sa piling ng asawa mong si Maine,” pahayag pa ni Sylvia.
Nag-thank you rin si Ibyang kay Maine Mendoza dahil nakikita niya kung paano nito mahalin, alagaan at irespeto si Arjo bilang asawa.
“Maine nak, salamat sa pag aalaga at pagmamahal mo kay Arjo.
“Maligayang kaarawan Juan Carlos Campo Atayde.
“Love you nak (emojis).”
***
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-15th anniversary bilang song writer at record producer, magkakaroon ng isang espesyal na concert si Rox Santos billed as The Rox Santos 15th Anniversary Concert, na mapapanood sa Music Museum bukas, November 10, 8:00pm.
Hindi siya magpi-perform dito. Ang mga performers ay ‘yung mga ginawan niya ng kanta at ‘yung mga pinrodyus niya ng song/album.
Ang performers sa concert ay sina Vice Ganda, Eric Santos, Kyla, Juris, Maymay Entrata, Kakai Baustista, Agsunta, Alexa Ilacad, Bini, Klarisse, Jeremy G, 1621BC, Anji Salvacion, Annrain, Bryan Chong, Cesca, Drei Sugay, Trisha Denise, Kice, Khimo, Lyka Estrella, at KD Estrada.
“My heart is filled with gratitude. I’m inviting everyone to celebrate this milestone with me,” sabi ni Rox.
Ayon kay Rox, bilang isang composer, iba ang saya kapag naghi-hit ang mga kantang sinulat niya, at the same time nakatutulong siya para makilala pa lalo ang kumanta.
“Sobrang saya. Iba ang fulfillment. Wow, nagkaroon ng buhay awitin mo. Nata-touch mo ‘yung life ng tao. Parang wow amazing! Sobrang powerful talaga ng music. Lalo kapag naka-relate ang tao. Pwede ka dalhin sa iba’t ibang lugar, magiging platforms siya.
“Hindi lahat nabigyan ng ganito. Thankful ako ‘yung mga nasulat at na-produce ko na song ay naging parte ng buhay ng artist, and mas fulfilling sa pakiramdam. Lahat ng tao kinakanta mga ginawa mo,” aniya pa.