Advertisers

Advertisers

Kostumer binalibag ng bouncer sa kalsada

0 38

Advertisers

MATINDING pinsala sa ulo ang inabot ng isang 20-anyos na binata nang buhatin at ibalibag ito ng bouncer ng isang bar sa gitna ng kaguluhan Lunes ng madaling araw sa Upper General Luna Road, Baguio City.

Hustisya ang hinihingi ng pamilya ng hindi pinangalanang biktima na nagkaroon ng grabeng pinsala sa ulo nang humampas sa gutter ng kalsada.

Nabatid na nagkaroon ng rambol ang dalawang grupo ng kabataan na pawang kostumer ng bar 2:00 ng madaling araw. Nakuhanan ng video ng isang netizen ang pangyayari.



Sa imbestigasyon ng Baguio City Police, sa loob ng bar nagsimulang mag-away ang grupo ng biktima at ng nakalabang grupo.

Lumabas ang dalawang grupo sa bar subali’t muling nagpang-abot sa gilid ng kalsada.



Nakita sa nag-viral na video na sa kasagsagan ng away, nakisali ang bouncer ng bar, hinawakan nito ang biktima at binuhat at ibinalibag sa kalsada. Tumama ang ulo nito sa gutter at nawalan ng malay.

Agad isinugod ito sa Baguio General Hospital at isinailalim sa CT scan ang binata kungsaan nakitang may grabeng pinsala ito sa ulo.



Galit na galit ang pamilya ng biktima sa bouncer sa ginawa nito.

Ayon sa isang kapatid ng biktima, sa laki ng katawan ng bouncer ay may iba pang paraan para awatin nito ang kaguluhan.

Balak ng pamilya ng biktima na sampahan ng kasong frustrated homicide ang bouncer.

Ayon naman sa Baguio City Police Office Public Information Officer, Capt. Angeline Dongpaen, tukoy na ang bouncer ngunit hindi pa ibinigay ang pangalan nito.