Advertisers

Advertisers

Ruru inamin, pinakakalma ng labs na si Bianca

0 17

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA panayam kay Ruru Madrid sa mediacon ng bagong action series ng GMA 7 na Black Rider na siya ang pangunahing bida, nagkuwento siya tungkol sa five years na relasyon nila ng girlfriend na si Bianca Umali.
Marami na raw silang pinagdaanan na mas nagpatatag sa kanilang pagsasama.
Sabi ni Ruru,“Before kasi, when we were starting, Bianca kasi was an introvert. Sometimes, kapag may mga problema siya, kinikimkim niya. Hindi niya sinasabi sa akin. Ang tendency, lumalaki na pala ang problema.
“So I guess, natutunan naming dalawa kung paano pag-usapan ang mga bagay. Like for example, nagkaroon kami ng problema, bago matapos ang gabi, kailangan naming pag-usapan yan para at least, okay.”
“Ako ang mas madaldal sa relationship. So, parang ako yung mas nag-o-open up. I can see yung effort din ni Bianca pagdating sa mga ganoon.
“Nag-o-open up na rin siya. Siya ang magsisimula ng usapan pagdating sa mga nagiging problema naming dalawa. So yun, parehas. Parehas kaming nag-mature pagdating sa mga bagay na dapat kaming mag-mature.
“I mean, before, wala akong preno. Talagang walang stop. Siya yung nagpapakalma sa akin. Tapos si Bianca naman, sobrang tahimik. Ako naman ang nagpapadaldal sa kanya.
“Mas naging palangiti siya, mas bumabati siya sa mga tao. So mas nagtutulungan kaming dalawa.
“Kahit na hindi kami magkatrabaho, I know na may naitutulong at naidudulot kaming maganda sa bawat isa,” aniya pa.
***
SA bagong pelikula ni Christian Bables, bading na naman ang role niya kaya natanong siya kung naniniwala ba siya sa paniniwala ng iba na walang gender ang pag-ibig.
Sagot ni Christian,”Walang gender ang love. Ang love ay para sa kahit na kanino. puwede nga siya sa animals, e. I also agree with Direk Andoy (Ranay, kasama niya sa pelikula) that love is for everyone, and for any one.
“Ayun yata ‘yung isa sa mga libreng bagay..bagay ba siya? O basta libre dito sa mundo na puwede natin ma-enjoy, ang pagmamahal,” paliwanag pa ni Christian.
Open ba siya sa posibilidad na pumasok sa same-sex relationship?
“Kung io-open ni God yung heart and mind ko for that, why not?
“Kapag dumating sa punto na kunwari magbukas ‘yung puso ko, ‘yung isip ko sa ganu’ng klaseng pagmamahal, buong puso ko pong tatanggapin yun,” pagpapakatotoong sagot ni Christian.