Advertisers

Advertisers

ROX SANTOS NGAYONG GABI NA ANG 15TH ANNIV CONCERT SA MUSIC MUSEUM

0 23

Advertisers

MAMAYANG gabi na, Nov. 10, 8pm, gaganapin ang 15th Anniversary Concert sa Music Museum ng ABS-CBN Music label head na si Rox Santos.
Magsisimula ang special concert ni Rox na ayon nga sa kanyang publicity and promo head na si Ja Pantilanan, ay dadaluhan ng mga personalidad na nakatrabaho na nito.
Inaasahang magbibigay ng suporta kay Rox sina Vice Ganda, Erik Santos, Alexa Ilacad, Agsunta, Anji Salvacion, Annrain, Bini, Bryan Chong, Drei Sugay, Jeremy G, Juris, Kakai Bautista, KD Estrada, Kice, Khimo, Klarisse, Kyla Estrella, Sheyrn Regis, Trishia Denise at Cesca na bahagi ng Star Pop.
May special guest pa raw na sa mismong concert na lang malalaman kung sino.
Marami na ring achievements si Rox na composer at music producer ng ilang sikat na singers natin gaya nina Regine Velasquez-Alcasid, Jaya, Erik Santos, Michael Pangilinan, Angeline Quinto at iba pa.
Si Rox din ang nasa likod ng hit song ni Maymay Entrata na “Amakabogera.”
Kung binigyan lang ng fulltime attention ni Rox ang pag-awit ay malaki ang posibilidad na mas sumikat ito lalo na at maliban sa maganda ang tinig ay may itsura rin ito.
Pero kinarir nito ang paglikha at pagpoprodyus ng mga awitin para sa ibang singers.
Samantala, nais magpasalamat ni Rox sa mga nakasuporta sa kanyang 15th Anniversary Concert, kay Roxy Liquigan na ABS-CBN Music Head, Creative Director Jonathan Manalo, Publicity & Promo head Ja Pantilanan at Social Media Specialist na sina Leila Riego at Simone Dimalibot.
Sa mga nais pang humabol at saksihan ang concert ni Rox, mabibili ang mga ticket sa TICKETWORLD na may mga halagang VIP-P3,950, PATRON SIDE-P3,180 at P1700 naman para sa BALCONY.
Kaya ngayon pa lang, congrats Rox sa tagumpay ng iyong anniversary concert.