Advertisers

Advertisers

Tangkang human trafficking, binigo ng OTS Security Screening sa NAIA Terminal 2

0 17

Advertisers

KAHIT hindi na bahagi ng kanilang responsibilidad bilang Security Screening Officers (SSOs) ng Office for Transportation Security (OTS), ang mga ito ay rumesponde pa rin sa isang distress call mula sa tatlong papaalis na mga pasahero ng Philippine Airlines Flight Number 2827 patungong Cebu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, nitong October 30, 2023.

Ang mga pasahero ay tumakbo sa security screening checkpoint upang humingi ng tulong dahil sila ay naniniwalang mga biktima ng human trafficking.

Ayon sa ulat na isinumite ni Shift-in-Charge Jomar Fugaban kay OTS administrator Jose Briones, Jr., isa sa mga pasahero ay nagsulat sa kanyang cell phone ng, “Can you help us? We were fooled.” na kanya namang ipinakita kay Checkpoint Supervisor Febe Valenzuela at SSO Regie Narag.



Dahil dito ay agad na tinawagan ng pansin ni SSO Narag Philippine National Police Aviation Security Group at ang Manila International Airport Authority’s Airport Police na agad din namang rumesponde upang mapigilan ang pagsakay ng 31 Vietnamese at tatlong Chinese nationals na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking.

Matapos na magsagawa ng paunang panayam ng PNP, ang mga biktima ay dinala sa kustodiya ng NAIA Inter-Agency Council Against Trafficking. (JERRY S. TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">