Advertisers
ILAN sa mga pasyenteng may trangkaso ay nagpopositibo sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni Health Usec. Eric Tayag.
Ayon kay Tayag, kabilang sa mga nagpositibo sa COVID ay mga pasyenteng may flu-like symptoms.
Samantala, pinapayuhan naman ni Tayag ang publiko na magpabakuna kontra influenza.
Ito ay lalo na’t umaabot na ang kaso ng influenza sa bansa sa mahigit 170,000.
Partikular aniyang dapat iprayoridad sa flu vaccine ang mga nakatatanda.
Klinaro rin ni Tayag na ang bakuna kontra influenza ay libre sa mga health center.