Advertisers

Advertisers

BUONG ANTI-DRUGS NG MPD-PS 14 SINIBAK SA ‘HULIDAP’

0 31

Advertisers

NALALAGAY sa alanganin ang buong unit ng Station Drug Enforcement Unit ng MPD Barbosa Police nang ireklamo sa isinagawang ilegal na anti-drug operations kungsaan dalawang indibidwal ang pinasok sa loob ng bahay sa Tondo, Manila.

Sa ulat, base sa kuha ng CCTV ng barangay, 5:00 ng hapon nitong Martes nang magsagawa ng anti-drugs operation ang mga taga-anti drugs ng MPD PS 14 sa Tondo 1, sakop ng MPD PS2, nang walang koordinasyon sa taga-MPD PS2 at maging sa barangay.

Pinasok ng mga pulis ang isang bahay, nanghalughog ng mga gamit ng walang search warrant. Binitbit ang 2 babae mula sa loob ng bahay ng walang arrest warrant, at dinala sa isang bahay sa harap mismo ng MPD PS 14, Barbosa, Quiapo pero hindi kinasuhan, sa halip ay hiningan lang ng pera.

Hiningan umano ang 2 babae ng P45k na wala namang kaso at pinauwi ang mga ito 8:00 ng gabi, pagkatapos makapagbigay ng perang hiningi sa kanila.

Sa kuha ng CCTV ng baragay sa Moriones, Tondo, naka-facemask pa ang mga pulis na nang-raid na kinilalang sina Serviano, Yambao, San Diego, Montero, Villaruel, Atienza.

Sinabi naman ni MPD-PIO Major Philipp Ines na ang naturang CCTV footage na lumabas sa social media ay “follow up operation” lamang kaugnay sa naunang huli ng SDEU sa dalawang babae rin na nahulihan ng P1 milyong halaga ng shabu.

Ayon kay Major Ines, inginuso ng dalawang suspek ang dalawang babae sa video footage kaya nagsagawa ng follow up operation sa lugar.

Gayunman, wala aniyang nakuha sa dalawang inginusong babae kaya pinakawalan din ang mga ito.

Agad naman umaksyon ang Hepe ng prisinto na si Lt. Colonel Brillante Billaoac nang makarating sa kanyang kaalaman ang insidente, dinis-armahan at sinibak sa puwesto ang buong unit pati ang hepe ng SDEU habang sumasailalim sa malalimang imbestigasyon upang mapanagot ang tunay na may sala na posibleng ikasibak rin ng mga ito sa serbisyo.(JOCELYN DUMENDEN)