Advertisers

Advertisers

NAGKAMALI TALAGA SI PBBM KAY TAMBALOSLOS!

0 25

Advertisers

Di man aminin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sumasakit ang ulo nito ngayon dahil sa direktang banggaan ng Kongreso na pinamumunuan ng kanyang pinsan na si Speaker Martin Romualdez at ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Imbes kasing mag- isip ng win- win solution si Speaker Romualdez sa pagsagot sa hamon ni FPRRD,pinili nitong tahakin ang isang collision course laban sa mga Duterte na alam naman nating sagradong kaalyado ng mga Marcoses particularly ni Senator Imee Marcos.

At ngayon ngang nagsalita na ang senadora pabor kay FPRRD,nabuo na ang tinaguriang “rift” sa pagitan ng mga Romualdezes at Marcoses.



Binanggit ni Senator Imee na tanging si Pangulong Duterte lamang ang nakagawa ng tila isang imposibleng bagay kung saan pinayagan nitong malibing sa Libingan Ng Mga Bayani ang kanilang ama na si Apo Lakay,former President Ferdinand Edralin Marcos Sr.

Tinatanaw itong malaking utang na loob ng senadora at ng kanilang pamilya lalo na ng kanilang ina,former First Lady Imelda Romualdez Marcos.



Wala umanong tao na naging loyal at tapat sa kanilang pamilya ang nakagawa ng katulad ng ginawa ni dating Pangulong Digong.

Lahat umano ay nagtraydor sa kanila nang sila ay mapalayas sa poder noong 1986.



Tanging ang pamilya Duterte lamang ang nanatiling tapat na kaibigan at kaalyado nila.

Sa mga kaganapang ito,di man aminin ni PBBM,nagkamali siya sa paglalagay kay Speaker Romualdez sa poder.

Bumigay sa matinding pressure si Romualdez at di nakapagreact ng tama sa kinakaharap na sitwasyon.

Confrontational rather than diplomatic approach ang tinahak na daan ng Speaker kung kaya’t dismayado umano ang Pangulong Bongbong Marcos.

Sa halip umanong proteksyonan ni Romualdez si PBBM,inilagay pa niya ito sa malaking kompromiso.

What if VP Sara Duterte,daughter of FPRRD finally leave the Unity Team?

Kaya na nga bang tumayo ni PBBM sa sarili niyang mga paa at patatagin ang kanyang political career until the end of his term sa 2028 without the support of millions of Duterte diehards?

Mukhang hirap sagutin ito ng kampo ng mga Marcoses.

Halata naman sa kanilang mga body language na napapangiwi sila sa tuwing bubukas ang bibig ni dating Pangulong Digong at sila ay binanatan.

Mahal pa kasi ng mamamayang Pilipino ang dating Pangulong Duterte and he still command tremendous respect and admiration from ordinary folks.

Ayon pa nga sa mga simpleng “Juan dela Cruz”, mas matindi pa nga ngayon ang dinaranas na kahirapan sa buhay ng mga tao kumpara noong pandemic.

Noon, kumakatok at dumarating sa pintuan ng tahanan ng mga mamamayan ang ayuda at tulong ng gobyerno.

Ramdam mo talaga ang malasakit ng pamahalaan sa tao.

Ngayon ba sa panahon ni PBBM ay ganito pa rin ang sitwasyon?

Hindi po!

Parang walang gobyernong puwedeng takbuhan ng tao para sa tulong at pag-aaruga.

Lumala pa ang droga,krimen at korapsiyon.

Di na tayo magtataka kung di matapos ni PBBM ang kanyang 6- year term bilang Pangulo ng bansa.

Totoo ngang ” weak leader” siya.

Worst ” takuza” ito as in ” takot sa asawa” as attested by some members of the PSG na nagbulgar ng mga kaganapan sa loob ng Malacanang especially during wee hours in the morning.

Ang mga pagwawala at pagmamaldita umano ni FL Liza tuwing lasing ay isang senyales na di ito nababagay manirahan ng matagal sa Malacanang.

Isa itong manifestation ng pagiging arogante at abusado sa poder.

Ang paulit-ulit na insidente ng pagkakasabit ng pangalan ni FL Liza at ng kapatid nito sa kilalang smuggler na si Michael Ma ay dagdag na pasanin kay PBBM.

Kung paanong nakakapagwagayway ng unlimited at extra power si FL Liza sa tungki ng ilong ni PBBM ay sadyang di katanggap- tanggap sa mapagmatyag na kasundaluhan.

Kapag nanatiling mumb o manhid si Bongbong Marcos sa lahat ng kaganapang ito,malamang sa hindi, pulutin ito isang umaga sa mabantot na imburnal.

Filipino people deserved a much better and responsible President.

‘Yung may bayag na kayang ipagtanggol ang kapakanan at karapatan ng bawat Pilipino.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com