Advertisers

Advertisers

PNP CIDG nasa matinding pagsubok sa usapin ng nawawalang Batangas beauty queen

0 90

Advertisers

Mag-iisang buwan na mula nang napabalitang nawawala si Catherine Camilon , isang beauty pageant candidate at guro rin na taga Tuy, Batangas. Oktubre 12 nang nawala si Camilon at sinasabi sa mga report ng PNP CIDG na base sa video footages na nakalap ng Batangas PNP, nakita ang Nissan Juke na sasakyan ni Camilon sa ilang lugar partikular sa Sta. Maria, Bauan, Batangas nuong gabi ng Oktubre 12 .

Si Colonel Jacinto “Jack” Malinao, hepe ng CIDG Regional Unit sa Camp Vicente Lim ang naatasang tumutok sa kasong ito ng missing person…isa sa mga mandato na kinapapalooban ng imbestigasyon, pangngalap ng impormasyon at dedikasyon — na sa lahat ng unit ng PNP, ay CIDG lang maaring asahan.

Sinabi ng Koyang ninyo na CIDG lang ang may kapabilidad na tumutok sa ganitong police work sapagkat ang inyong lingkod at mahigit 20 taon na paroo’t paritong natatalaga bilang punong tagapamahayag mula nang ang primary investigation arm na ito ng PNP ay Criminal Investigation Service o CIS pa lang ang pagkakakilanlan nuong dekada70. Isa si Col Malinao na nuong junior officer pa ay pumailanlang sa CIDG sa paglutas ng mga mala-sensational at heinous crimes —bagay na laging napaparangalan ang unit sa tuwing Araw ng PNP kada Agosto ng bawat taon.



Hindi pangkaraniwan ang trabaho sa CIDG na apat na beses nabago ang katawagan—Criminal Investigation Service (CIS), Criminal Investigation Service Command (CISC), Criminal Investigation Command (CIC), Criminal Investigation Group (CIG) at hanggang sa ito ay nakilala ngayon bilang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) . Ang mandato ng unit na ito ay ang pagbubuwag ng mga grupong armado na ang puntirya ay ang mga bangko, mga grupo ng kidnapper na ang puntirya ay mga may-kaya sa buhay, mga wanted ng batas na may mga order o warrant of arrest, at mga kasong ang hepe ng PNP ang mismong me atas na imbestigahan.

Ang kaso ng missing person sa katauhan ni Catherine Camilon ay pangkaraniwan kahit sa level ng mga regional, provincial o district kung saan me sangay ang PNP na siyang unang napagbigay-alaman. Kapag ang kakulangan ng PNP unit sa isang probinsiya o distrito, mandato rin ng CIDG na magbigay suporta sa mga gawaing pangangalap ng impormasyon at hanggang sa kalaunan sa kagustuhan ng top honco na si Police General Benjamin Acorda, na isa ring batikang “sleuth”, na sa CIDG na ipagkatiwala ang naturang kaso. Si General Acorda, tulad ng mga nauna sa kanya — General Ramon Montano, General Oscar Calderon, General Art Lomibao, General Raul Bacalzo, General Jesus Verzosa ay nagukit rin ng sari-sariling pangalan sa CIDG bago naging Chief PNP. This list of officers had their best time in the CIDG serving the citizenry and ensuring public safety during their watch— FBV.



This time it is Colonel Jack Malinao’s task to prove and follow the footsteps of his predecessors. For a CIDG officer and gentleman, “bago maubos ang ilaw ng kandila, nasa bakuran na ng CIDG ang maysala ! ”

Masalimuot ang usaping ito ng missing person … ngunit pasasaan ba at hindi mauubos ang gulong ng mga sasakyan at kikitid din ang daan na nilalakaran ng mga may kagawawan —WE SEEK THE TRUTH — ito ang battlecry para hustisya ay maialay !

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">