Advertisers

Advertisers

UMURONG SI SARA

0 31

Advertisers

PAGKAHABA-HABA ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. Kasabihan ito ng mga Tagalog tungkol sa mga mahabang usapan na isa ang pupuntahan. Bakit magpatumpik-tumpik kung isa lang ang kahihinatnan. Ganyan ang nangyari sa panukalang confidential fund na P650-M para sa OVP at Deped, ang dalawang sangay ng gobyerno na pinangungunahan si Sara Duterte. Sa dinami-dami ng liko-likong paliwanag ni Inday Siba (ito ang tawag ni Dante Zamora, isang kaibigan na kolumnista), inurong lang niya ang panukala sa dakong huli.

Dahil hindi umbra ang mga sanga-sangang paliwanag ni Inday Siba na pawang hindi tinanggap ng publiko, napilitan ang malditang anak ni Gongdi na iurong ang panukalang confidential at intelligence fund sa pambansang budget sa 2024. Wala ng ligoy, basta inurong. Kung sabagay, kahit hindi inurong, wala siyang magagawa dahil totoong aalisin ng Kongreso ang panukalang CIF. Hindi niya ito mapipigil. Wala sumuporta sa kanya.

Hindi nakuha ni Sara ang mayorya sa Senado. Sa huling pagtaya, siyam na senador ang handang ibalik ang CIF na inalis ng Kamara de Representante. Kailangan niya ng 13 senador upang may suporta. Kumampi sa kanya ang mga patapon at pipitsugin senador tulad ni Robin, Bato, Bong Go, Francis, Bong Revilla, at Jinggoy. Wala sa listahan si Imee kahit nagpahayag na kampi siya kay Inday Siba at Gongdi. Palihim na inilabas ng isang senador ang pangalan ng siyam na senador. Kinilala na si Raffy Tulfo umano ang naglabas ng kanilang pangalan. Nagpuputok ang butse ni Jinggoy sa galit dahil sa pagbisto sa kanila pero wala siyang nagawa kundi ngumawa.



Nanguna si Ispiker Martin Romualdez ng Kamara de Representante sa pag-alis ng CIF. Panalo si Romualdez sa tunggalian. Panalo si ACT Teachers Party List Rep. France Castro na unang nagdala sa Kamara ng isyu tungkol sa mahiwagang paglustay ng P125-M confidential fund sa loob ng 11 araw noong 2022. Panalo si Sen. Risa Hontiveros sa pagtutol sa bulwagan ng Senado tungkol sa hindi maipaliwanag na paggagamitan ng confidential fund. Panalo ang maraming netizen sa social media na hindi magkamayaw sa pagtanggi sa panukalang confidential fund ni Inday Siba. Panalo ang sambayanan dahil tuluyang nabungi ang mga Duterte sa kanilang pakay na nakawin ang natitirang dangal ng sambayanang Filipino at salapi mula sa kaban ng bayan.

Sa wakas, nabisto na wala ng lakas pulitikal si Gongdi upang makialam at impluwensiyahan ang takbo ng pulitika sa bayan. Nabisto na mistulang gulay na si Gongdi. Halos wala na siyang kakampi. May natira na mangi-ngilan ngunit kamukha niyang mga gulay na rin. Sino ang magtitiwala kay Robin, Bato, Bong Go,Bong Revilla, at Francis? Pawang tinatawanan, nililibak, at hindi sineseryoso. Mababa ang tingin sa kanila dahil wala silang itinatagong galing.



Dahil wala ng ngipin si Gongdi, hindi niya naimpluwensyahan ang takbo ng halalan sa 2025. Sapagkat wala sa kanila ang confidential fund, hindi nila mabibili ang mga pulitiko. Hindi sila makakabuo ng buong tiket na kakatawan sa kanilang partido sa buong bansa. Hindi na kasama sa bilang si Gongdi. Wala na siya sa hulog, sa maikli.

Pinakamaganda kay Gongdi na paghandaan niya ang “formal investigation” ng International Criminal Court (ICC). Hindi pa tapos ito at hindi niya maaaring ipagwalang bahala. Hindi siya suportado ng gobyerno ni BBM. Maliit ang tingin sa kanya dahil mamamatay tao siya. Wala din bilib sa kanya ang Estados Unidos dahil tuta siya ng China.



Pinakamaganda sa kanya na ilatag niya ang escape route. Dahil hindi siya kilala sa tapang at lakas ng loob, maiging ilatag na niya kung paano siya tatakas at iiwas sa anumang parusa na itatakda kanya ng ICC. Dahil maraming ebidensya ang ICC laban sa kanya, kailangan kumuha na siya ng mga magagaling na manananggol. Huwag siyang magtipid at kunin ang dalawang patapon at pipitsugin abogado tulad ni Harry Roque Jr. at Salvador Panelo. Hindi siya ilulusot ni Roque at Panelo dahil hindi sila magaling.

Hindi rin tatanggapin si Gongdi bilang oposisyon. Walang maniniwala sa kanya. Sa maikli, hindi siya oposisyon kundi pumoposisyon lang. Hanggang salita lang si Gongdi. Mahilig lang siyang manggulat ngunit dahil wala na siya sa poder, hindi na siya kasisindakan. Gulay na si Gongdi.

***

MARAMING salita ang mga netizen dahil sa masamang kapalaran na inabot ni Inday Siba. Mula kay Mam Syj, isang netizen at guro: “Iyan tayo. Nagpakabratty and feeling entitled ka sa malaking pondo. Nang mabash at maharang, atras at feeling hero pa about not wanting the issue as it it divisive. Buko ka na. Say goodbye to your super lofty dreams.”

Mula kay Jed Q. Cepe, isang netizen: “Just because he was then president, Duterte must have assumed his every word is now bible truth. Just bec he put his country in complete disarray during his tenure, he can now resurrect it by his mere self-righteousness, sheer arrogance & pride. What a pathetic, useless creature!”

Mula kay Eden Pelaez, isang kritiko: “Sabi ni Sen. Bato huwag naman daw zero confidential funds ang OVP dahil magiging inutil daw ito. Si Leni po walang confi funds pero maraming nagawa as vice president at hindi naging inutil. Gipit pa ang budget, kaya lang madiskarte siya at maraming nagtiwala sa private sector.”

Mula kay PL, netizen at kritiko: “The fight on confidential fund has exposed the collapse of Duterte’s support in the ruling coalition. They’ll be treated with disdain by their ex-coalition partners. They’ll be kicked around like tin cans or no deposit bottles. INFERIOR DAVAO, or that faction of foul mouthed, floor spitting Davao City-based morons, won’t be around to dictate on us. Let’s consign them to oblivion. Let Gongdi face crimes against humanity charges before the ICC.”’

***

MGA PILING SALITA: “Former president Rodrigo Duterte is baffled on how his name got dragged into supposed destabilization moves against the government. While Duterte admitted talking with some retired generals, he denied plotting destabilization or a coup. ‘What I said during our meeting, among others, was as long as there is no serious issue of corruption (there would be no coup),’ Duterte said in a mix of English and Tagalog.” – PHL Star

“Just a glimpse of PHL history. The Philippines had a one-party authoritarian rule during the U.S. colonial rule. It was only after the adoption of the 1935 Constitution and the holding of the first elections after its ratification did we have two political parties – Nacionalista and Partida Democrata. That the Americans taught us democracy is partly correct.” – PL, netizen, kritko

“Inday Siba’s decision to give up the fight for CIF for the OVP & Deped shows the Dutertes have become weak politically. Gongdi is all bark, no bite. Inday Siba doesn’t have the political clout to impose her will. They’ll be non-factor in 2025 and 2028. Their enemies will kick them around. Because she does not know her job at Deped, I would not be surprised if she’ll be kicked up and replaced there by an educator. She’s now at the mercy of BBM and Martin Romualdez. Even GMA and her faction will be defanged.” – PL, netizen, kritiko