Advertisers
MASYADO nang nakakabahala ang mga hakbang nitong si Ombudsman Samuel Martires. Ang kanyang mga aksyon ay laging tila pabor sa tiwaling opisyal ng gobyerno, binibigyan ng proteksyon ang mga abusadong pasueldo ng mamamayan, sa halip na protektahan ang interes ng mga Filipino.
Dito sa kanyang babala na parurusahan ang sinomang magkokomento sa publiko tungkol sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth ng mga pasueldo ng taxpayers, inulan siya ng mga brutal na batikos netizens.
Sinabi ni netizen Fritz sa X (dating Twitter) na tila hindi ginagamit ni Martires ang kanyang utak, sinabihan itong: “Ano ba ang laman ng utak mo, sir, plema? Araguy!!! Hahaha…
Gayundin ang sinabi ng ibang netizens: “Thoughtless sentiment” daw ito. “Walang lamam,” sabi ni Belle sa X
Duda pa ang isang netizen sa pagsabing tila nakikipagsabwatan ito sa mga korap, at dapat itong makulong: “Ang ibig sabihin lang nito, kasabwat siya ng mandarambong. isama sa kulong yan,” netizen Fidel’s Ismo sa X. “Tolerate mo pa ah!”.
Magugunitang sinabi ni Martires, isa sa mga itinalaga ni dating Pangulo Rody Duterte, na ang sinoman magkomento sa publiko tungkol sa SALN ng isang govt. personnel lalo opisyal ay makakatikim ng “stringent penalties”. Hindi raw kasi ito pinapayagan sa ilalim ng Republic Act 6713. Ang lalabag daw rito ay maaring makulong ng hindi bababa sa limang taon.
Kung inyong natatandaan, hindi inilabas ni Martires sa media ang kinukuwestyon na SALN noon ni Duterte sa kabila ng pagsasabatas sa Freedom of Information (FOI). Idinahilan niyang humingi muna ng pahintulot kay Duterte. Pero ang rason naman ni Duterte ay nasa kamay na ito ng Ombudsman.
Si Duterte ay iniimbestigahan noon ng mga dating opposition senator na sina Antonio Trillanes at Leila De Lima sa kanyang napakalaking kuarta sa mga bangko, kungsaan nasibak pa sa puwesto si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang dahil sa pagsapubliko sa bank history ng mag-amang Duterte (Rody at Sara).
Matatandaan din na sa SALN nasibak sina yumaong Chief Justice Renato Corona at Maria Lourdes Sereno, at ilang Ombudsmen.
Sinasabi sa batas: “Any statement filed under this Act shall be available to the public for a period of ten (10) years after receipt of the statement. After suck period, the staent may be destroyed unless needed in an ongoing investgation.”
Pero dahil sa pagkapasa sa ‘Data Privacy Act’, nalimitahan ang basta nalang pagsapubliko sa SALN. Ni-require ang permiso ng may-ari ng SALN bago ito ilabas.
Nang dahil sa Data Privacy Act (RA No. 10173), ay nagkaroon ng proteksyon ang corrupt govt. officials lalo mga politiko na tumanggi isapubliko ang kanilang SALN.
Pero yaong matitino namang public officials ay sila na mismo ang naglalabas ng kanilang SALN sa publiko. Hindi ito ginawa ni Duterte.
Balikan natin si Martires, kinastigo rin ito ng Court of Appeals sa kaso ni De Lima na kanyang binasura nang hindi manlang dumaan sa tamang proseso.
Dapat kay Martires ma-impeach! Mismo!!!