Advertisers

Advertisers

PH Sambo Team bisita sa TOPS

0 6

Advertisers

ANO ang sikreto sa tagumpay ng sambo?

Ating alamin ang pinaghuhugutan ng Philippine Sambo Team at sa nakalipas na mga taon ay napabilang ang grupo sa pinakamatagumpay na contact sports sa loob at labas ng bansa sa pagbisita ng koponan sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) “Usapang Sports’ ngayon sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.

Pangungunahan ni six-time World Sambo medalist na si Sydney Sy- Tancontian ang Sambo squad sa programa ganap na 10:30 ng umaga, sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.



Makakasama niya ang head coach ng koponan na si Ace Larida at ang founding father ng sports at kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas Sambo Federation na si Paolo Tancontian.

Hinihikayat ni TOPS president Maribeth ‘Beth’ Repizo ang mga opisyal at miyembro, gayundin ang mga sports enthusiast na lumahok at makiisa sa talakayan na mapapanood via live streaming sa TOPS Usapang Sports official Facebook page, sa Bulgar TV at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong mobile broadcast apps na madaling i-download sa Android phone.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">