Advertisers
Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency-Seaport Interdiction Units (PDEA-SIU) na drug-free workplace ang Port Management Office (PMO) ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Iligan, Lanao del Norte nitong Nobyembre 2023.
Ito’y matapos ang isinagawang drug test sa mga empleyado nito.
Samantala, isang drug symposium tungkol sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinagawa para palawakin ang kaalaman ng mga empleyado sa naturang batas.
Sinaksihan ito ng mga kinatawan mula sa PPA Port Police Department Head Office.
Ani Acting Port Manager Medardo Sosobrado Jr., patuloy na pananatilihin ng PMO LNI ang iwas sa drogang kapaligiran para sa progresibo at maayos na serbisyo sa pantalan.