Advertisers

Advertisers

Napuno na kasi… Kathryn umayaw na sa pakikipagbalikan ni Daniel

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA kanilang YouTube vlog na Showbiz Now Na, nina Wendell Alvarez at Romel Chika, sinabi ni Cristy Fermin na may nakarating sa kanya, na sinubukan pa raw ni Daniel Padilla na makipag-ayos kay Kathryn Bernardo bago sila tuluyang maghiwalay.

Base sa kwento ng source ni Cristy, September raw nang umiyak at sinubukang bumalik ni Daniel sa kanyang longtime girlfriend.



“Meron akong source na nagkuwento sa akin kung paano at bakit nagsabi na si Kathryn sa kanyang mga magulang tungkol sa kanila ni Daniel.”panimula ni Cristy.

Patuloy niya,”September, si Daniel, pabalik-balik daw na umiiyak at bumabalik kay Kathryn pero matigas na ang puso ni Kathryn Bernardo dahil ang dami-dami nang nakakarating sa kanyang mga kuwento, na ang iba ay dinismiss niya sa kanyang isip at puso pero ‘yung iba, pinahalagahan niya,”



Ilang beses nga raw na pabalik-balik si Daniel kay Kathryn upang suyuin at pakiusapan ito ngunit ayaw na raw talaga nito.

Noong mga panahong ‘yun raw ay hindi aware ang mga magulang ni Kathryn sa mga nangyayari sa kanila ni Daniel.



“Hindi nagsasabi si Kathryn. Napansin na lang daw ni Tita Min at saka ng father niya, na hindi halos makakain. Laging malungkot, tapos nakita ng mommy na umiiyak. Naka-relate ‘yung ina, may problema.

“Doon na bumigay si Kathryn. First tim,e na nagsabi sa kanyang ina [sa nangyayari sa kanila ni Daniel]. Ganoon naman talaga eh, ‘di ba kapag meron tayong karelasyon, pilit nating pinagaganda ang imahe. Best foot forward, ika nga,”

At tuluyan na nga raw naiyak si Kathryn sa kanyang ina, at ikinuwento kung ano ang tunay na problema sa pagitan nila ni Daniel.

“Ang daming nakakarating kasi kay Kathryn tungkol kay Andrea Brillantes. ‘Yung paglipat kasi ng condo ni Daniel, matagal na ‘yun pero ang kwento nga, doon daw nagpupunta si Blythe, parang ganoon ang nangyayari noon,” sey pa ni Cristy.

“Nabanggit pa nga nila ang sinabi ng ex-boyfriend ni Andrea na si Ricci Rivero kay Bea Borres matapos nitong mag-react sa kanyang pag-amin sa tunay na relasyon nila ni Leren Mae Bautista.

“Kaya nakakalungkot na kinakailangan pang mag-suffer talaga ng mahabang panahon. Hangga’t maaari binubuo niya siguro sa kanyang isip at puso ‘yung pagsusumamo ni Daniel. Mahal niya e. Kapag minsang ginawa ng lalaki, maaari pang maulit.”aniya pa

At least, sinubukan pa rin pala ni Daniel na maayos ang relasyon ni Kathryn, di ba? Pero ayun nga, wala ring nangyari. Sayang, sana ay naayos pa rin.

Well, isa kami sa mga nanghihinayang kami sa paghihiwalay ng KathNiel. Isa kasi sila sa mga hinahangaan naming loveteam. Akala nga namin ay mauuwi na sa simbahan ang kanilang pagmamahalan, ‘yun pala ay nauwi rin sa wala ang kanilang relasyon after 11 years.