Advertisers
Ang ikatatagumpay ng isang katulad na kasong krimen na gumimbal sa mundo ng pelikula — ang pinagpipitagan kong kakilala nuong pang PC days, si Ginoong Ronaldo Valdez na natagpuang walang buha y sa kaniyang kuwarto sa bahay nitong nakaraang linggo.
Sa mga oras na ito ang apat na PNCO ng QCPD ay grounded ika nga dahil sa isang hindi kanais=nais na nangyari bunsod ng kanilang premature disclosure ng isang video na kinunan ng team nila nuong rumesponde sila sa scene of the crime. Ang SOCO ng PNP ay sadyang binuo upang maging first responder na silang magse-secure the crime scene at kukordunan ang lugar mula sa bungad o pagpasok ng kabayan kung ito ay sa bahay nangyari o ang lugar sa labas tulad ng langsangan, ngunit sa paraang hindi makakasagabal sa daloy ng trapiko. Ang tanong ng Koyang ninyo…sila ba ay sertipikadong SOCO personnel na nagtapos ng mahabang training sa forensic laboratory practice o sa pagnunombra ng mga ebidensya na natagpuan sa crime scene? Sila ba ay nagsanay sa handling of evidence and safekeeping nito upang hindi mabura o mabago ang tunay nitong estado at makarating sa husgado na buo ang integridad sa oras ng pagdinig?
Hindi ko malilimutan ang pagkakapaslang kay Bb. Nida Blanca nuon sa Atlanta building parking area at ang Eileen Sarmenta rape with murder case sa UP Los Banos…sa patlang ng maraming taon, na ang punong imbestigador ay si Col Jesus Verzosa na tinukahan ng hepe namin sa CIDG nuon. Sensational na heinous crime ito na siyang nagpaangat sa hindi mapantayang kahusayan ng CIS na naging CIDG sa paginog ng 5 hanggang 6 na dekada. Ako ang punong tagapamahayag nuon at natural lang na maraming media men … radio, television, print (broadsheets and tabloid) ang naging kaututang-dila ko sa pamamahayag. Ako ang hepe ng Public Info Office at lahat ng inilathala ko at ibinigay sa trimedia at may basbas ng Director CIDG at siyempre ni Col Verzosa. Hindi kailanman ako nagbigay ng scoop story (meron and isa ang ang isaang daang mediamen, wala !
Kung bakit ganito ang practice ko at ng Chief PIO ng PC/INP na PNP na ngayon na si Gen Cris Maralit, ay sapagkat meron kaming sinusunod na polices and guidelines in disseminating news for public consumption coming from the PNP organization. Sa parehas na pakikitungo sa trimedia walang magdaramdam o magtatampo sa yo kung ikaw ay isang imbestigador dahil hindi mo trabaho ang maglahad ng nakita mo sa crime scene na walang pahintulot ang direcktang hepe ng organization o office mo. That is a NO-NO… sabi nga ng mahal ng lahat na PC/INP Chief Ramon Montano.
Today, the PNP organization is on an image test. Halos ang iregular na gawa ng mga “college graduate” na Police Corporal o beat cop, pati na mga senior Master Sergeant e siyang laman ng balita. Me kasama ako sa dating PC nuon na nagsabing: “Mabuti pa pala si Constable Juan dela Cruz na high school graduate lang e marunong sumunod sa PC o AFP Rules and Regulations !”
Patunayan ninyong karapatdapat kayong tawaging protector of the people and guardian of peace! (x)