Advertisers
NAPUTULAN ng daliri ang dalawang kabataang lalaki nang masabugan ng paputok na “pla-pla”.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), pawang menor de edad ang dalawang biktima.
Samantala, binawi ng DOH ang isang insidente ng amputate, kung kaya’t mula sa naunang lima, apat na lamang ang tamang bilang ng naputulan ng daliri base sa datos nitong Martes.
Sa naturang bilang, bukod sa isang nasa wastong gulang, limang menor de edad na ang na-amputate dahil sa paputok.
Samantala, umakyat na sa 75 ang kaso ng fireworks-related injuries sa bansa kungsaan pinakamarami ay sa Metro Manila na may 30 kaso.
Sinundan ito ng Central Luzon na may 9 kaso, at Ilocos Region na may anim.
Sa 23 bagong kaso, marami sa mga biktima ay menor de edad kungsaan 20 sa mga naputukan ay mga lalaki. (Jocelyn Domenden)