Advertisers
ARESTADO ang dalawang top most wanted persons sa provincial level ng Antipolo City Police Station nitong Martes sa Aquarius Street, Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal.
Sa ulat ng Antipolo City PNP sa opisina ni Calabarzon Police Regional Director, Brigadier General Paul Kenneth Lucas, unang nadakip ng mga operatiba 5:47 ng hapon si alyas “Stanley”, nasa hustong gulang, nakatala bilang number 1 most wanted sa lungsod sa kasong 9 counts Act of Lasciviousness.
Sumunod na nalambat 6:14 ng gabi ng kaparehong araw ang number 2 most eanted na si alyas “Carolina”, nasa hustong gulang, kasong panggagahasa at walang inirekomendang piyansa.
Nakakulong ngayon ang dalawa sa Antipolo City Police. (KOI LAURA)