Advertisers

Advertisers

Killer ng mag-ina sa Cebu, timbog

0 8

Advertisers

NADAKIP ng pulisya ang 23-anyos na lalaki na pumatay sa mag-ina sa Barangay Carreta, Cebu City sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Kinilala ang naaresto na si Joselito Larriba, 23-anyos.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Crystal Mae Ongos, 31; at 15-anyos na anak na si Wawang.



Sinabi ng pulisya na binaril ni Larriba si Wawang sa loob ng isang internet shop noong Disyembre 13.

Hatinggabi ng Pasko, hindi pa nakuntento ang salarin, binaril naman nito ang nanay ng biktima na si Crystal Mae habang nasa lamay ng anak.



Sinabi ni Larriba na ginantihan lamang niya si Wawang na tinangka siyang saksakin nang hingan siya ng P10.

Umuwi ng bahay salarin, kinuha ang armas, saka bumalik sa internet shop at binaril nang malapitan sa ulo ang biktima.



Ani Larriba, binaril din niya ang nanay ni Wawang nang malamang pinagbantaan ang buntis na asawa nang plano na niya sanang tumakas sa nagawang krimen.

Narekober sa salarin ang .38 na revolver na ginamit sa krimen.

Iiniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente upang malaman ang motibo sa pagpatay. Tinitignan ang posibilidad ng onsehan sa droga ang dahilan ng pagpatay sa mag-ina.

Ayon sa pulisya, naaresto sina Larriba at Crystal Mae sa illegal na droga.